nobody said it was easy.. (i have mellow 94.7 on the background)
Last Tuesday was Mama's birthday. And it was also my brother's initial interview. Mama went with him. Alpha and I were left here, sabi ni Mama, magpahinga raw kame kasi alam niyang puyat kame due to the concert. Pero dahil nga birthday ni Mama, hindi naman ako papayag na walang something for her. Sabi ko kay Alpha, "luto tayo!" Go naman siya. So nagbihis na kame at pumunta sa palengke. Kamusta naman, 1pm yun ha? Buti na lang hindi masyadong mainit. Nagulat ako nung tinanong ko kung magkano yung baguio beans. P20 daw ang 1/4. Waaaahh! Totoo nga, mahal pala talaga. Hay. So syempre, konti konti lang binili namin. After ng gulay, bili na kameng bihon, tapos lakad papunta sa kanto. Dun naman kami bumili ng kikiam, squidball, at fishball na isasahog namin. Mas mura kasi kapag ganun. O diba, marunong na kameng mag-budget ni Alpha. Hehe. Ang saya nga kasi nakabili pa kame ng ice cream. Yung P99. ^_^ Pag-uwi namin, busy-busyhan na kame. Ako nagbabalat, si Alpha ang naghihiwa. Pareho kameng hindi pa nakapagluto ng pansit ever. Ako kasi, spaghetti talaga ang alam ko. Yung pansit, tumutulong lang ako kay Mama. E hindi naman pwedeng spaghetti yung iluto ko kasi kulang ang budget at hindi naman ako ang may birthday, si Mama naman, at pansit ang gusto niya. Basta luto lang kame, hehe. Nakakapagod at nakakangalay pero keri lang. Anything for my dearest mother. While I was cooking the pansit, Alpha was doing her mashed potato thing. Tumutulong din ako sa kanya. Ang kulit nga kasi maya't maya, tikim kame. Hehe. Ang saya talaga magluto. Nakakapagod, pero masaya. Tapos inspired pa kame kasi while cooking, we were singing songs of praise and worship. Kaya lang biglang kumidlat nang malakas. Naputol tuloy concert namin. Hehe. Ang saya. Dumating na sina Mama, malapit na rin kameng matapos. Nagulat nga siya e. Ano raw ginagawa namin. Pero syempre wala na siyang magagawa. So hintay na lang siya na matapos kame. At yun nga, tapos na. Inayos na namin yung mesa.
Pray muna tapos kain na! Ang sarap! Haha. Na-satisfy talaga ako sa luto ko. Hehe. Pero seryoso, sabi rin ni Mama, ok naman daw. Ayun. After eating, umuwi na rin si Alpha kasi may hindi magandang balita. Ako naman, natulog na. Ginising ako ni Mama para uminon ng gamot. Tapos after praying, tulog na uli ako. Super pagod talaga pero sulit naman. ^_^
.....
Ngayon naman, may tinatapos akong isang bagay. Tapos ko na palang basahin yung Happy Secrets to An Obedient Life ni Arun Gogna. I'll share it maybe next time. Uulitin ko pa kasi. Hehe. Pero that book made me realize a lot of things. At sa totoo lang, I decided to confess again kasi ang dami ko na palang nagawang violation sa 10 Commandments, hindi ko lang napapansin kasi hindi ko lubos na naintindihan kung ano talaga ang kahulugan ng Sampung Utos. Wala lang, before ko gawin 'to, nagbasa muna ako ng previous entries ko. Kakahiya, ang dami palang typo error. Hehe. Sorry naman, tao lang. Malapit na namang matapos ang isang buwan. Pansin ko lang, the more I try to get closer to God, the more I say that life is beautiful, grabe rin ang atake ng devil. Ayaw niyang maging masaya ako. The devil wants me to be miserable all my life kaya kung ano-ano na lang ang ginagawa niya at kung sino-sino na lang ang ginagamit niya para saktan, pahirapan, windangin, at guluhin ako at ang tahimik kong buhay. Grabe, ayaw talagang paawat ni satan. Pero sorry because my God is a strong God. At kahit anong gawin niya (devil) hindi ako mapupunta sa kanya. I belong to God and He holds me in His hands.
.....
Some text messages:
*Sometimes, we are all caught up in idea of pleasing everybody. But in the end, we are the ones who are unhappy. It's not wrong to follow your heart. It's not wrong to defy all odds. Live your life the way you want it to be. Share it with someone you wanna spend the rest of your life with. 'Coz after all, more than anything else, the general rule is pleasing the Almighty and not fearing the second rate opinion of somebody else. Be real. Be you. Be free.
*When the idea is not right, God says no. When the timing is not right, God says slow. When you are not right, God says grow. And if everything is right, God says go.
*Forget injuries, never forget kindness. - Confucius
*Bitterness doesn't mean you hate falling in love. It's just being wise and careful so that your heart won't be used and torn apart again.
*And in the end, it's not the years in your life that count; it's the life in your years. - Abraham Lincoln
*Despair is typical of those who do not understand the causes of evil, see no way out, and incapable of struggle. - Lenin
*Maybe bad things happen because it's the only way we can keep remembering what good things supposed to look and feel like.
*Faith in God is a terrific venture in the dark. I have to believe that God is good inspite of all that contradicts it in my experiences. It's not easy to say that God is love when everything that happens actually gives lie to it. Every one's soul represents some kind of battlefield. It is up to us whether we will hang in and say, "Though things look black, I will trust in God." - A Holy Walk, O. Chambers
0 comments:
Post a Comment