BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday, June 14, 2008

getting to know me..

recently, may mga hindi magandang pangyayari sa buhay ko. but i realized one thing: it's true that a woman's instinct never fails. hindi lang ako basta tamang hinala. ilang beses ko ng napatunayan na tama ang mga "hinala" ko. malakas talaga ang pakiramdam ng mga babae. girls, agree kayo diba? hehe.

anyway, what's with the title? wala lang. i decided to search for my true identity. haha. umm, not that i do not know myself, gusto ko lang tingnan yung other side ko, yung bad side ko specifically.

ako yung tipong totoo, hindi mapagpanggap. what you see is what you get. kaya pag ayaw ko sayo, ayaw ko sayo. kaya siguro minsan iniisip ng iba na suplada ako. hindi naman sa ganun. hindi lang talaga ako plastik na tao. you could ask, bakit ko naman aayawan ang isang tao? well, isang dahilan lang naman e, pag nawalan ako ng tiwala. ang tiwala kasi parang salamin, pag nabasag, hindi na mabubuo pa. kahit pa lagyan ng epoxy o kahit anong pandikit, nandun pa rin yung lamat. sorry pero, ganun ako e. hindi ako marunong magtago ng nararamdaman. sabi nila magaling daw akong magtago ng sakit ko kasi smile pa rin ako kahit na in pain. yung mga ganung bagay kaya kong gawin pero yung magpaka-plastik sa isang tao, yun ang hindi ko kaya.

pag umiyak ako, ibig sabihin nun, hindi ko na kaya. sasabog na yung dibdib ko. pero natutunan ko ng hindi umiyak sa harap ng maraming tao. may tatlong lugar lang akong pinupuntahan pag hindi ko na mapigilan yung luha ko: sa banyo, sa kwarto, sa simbahan/adoration chapel.

ayoko ring pag-usapan ang mga bagay na alam kong makakasakit sa akin. hello naman diba? hahayaan ko bang masaktan ako? syempre hindi. pero nasasaktan pa rin ako. syempre hindi naman ako manhid e, kung pwede lang sana.

yun lang naman yung not-so-good side of me. i'm sorry pero ganun ako. you could say whatever you want. narinig ko na yung pinakamasakit na pwede kong marinig. naisip ko nga, ok lang na nasasaktan ako, sanay naman ako e. ano pa bang hindi ko naramdaman? kinaya ko dati. kakayanin ko rin ngayon. God is the strength of my heart. sinasabi ko na lang sa sarili ko, ok lang yan aiza, parte ng buhay yan. iiyak mo lang. matatapos din yan. and remember, God is close to the broken hearted. ^_^

friday the 13th pala ngayon no? wala lang. share ko yung lyrics ng Babae Ako, one of my recently favorite songs.

Babae Ako [Urduja Theme Song]
Babae ako
Ano bang dapat kong gampanan
Sa daigdig na ating ginagalawan
Ang hangganan ko ba'y hanggang saan

Babae ako
Ako ba'y mayro'ng kapangyarihan
O ako'y isa lamang na bukal
Na pagkukunan ng pagmamahal

Nais kong lumipad na may sariling bagwis
Nais kong marating pangarap nang mabilis
Nais kong manguna sa mga maya
Para makita ang bagong umaga
Ngunit kailan pa
Gusto ko na
Ngayon na

May galit ako
Ngunit pag-asa'y nasa puso ko
Bukas ang hamog makikita mo
Hihigupin niya ang paru-paro..
Ang paru-paro

Nais kong lumipad na may sariling bagwis
Nais kong marating pangarap nang mabilis
Nais kong manguna sa mga maya
Para makita ang bagong umaga
Ngunit kailan pa
Gusto ko na
Ngayon na

0 comments: