nabasa ko sa isang spare parts and accessories shop sa banawe: Brand New Japan Surplus. napaisip lang ako. meron bang brand new na surplus? kawindang diba? anyway...
masaya at challenging ang naging simula ng araw ko. may experiment agad sa lab. kelangang mapailaw namin yung LED at hindi lang basta ilaw. dapat mag-blink ito. ok naman yung naging groupmates ko. sina jeo at kenneth. at nagawa naman namin. yahoo!
naglakad kame ni jenny, nasalubong si alpha, at nagdecide kumain sa Lutong Bahay. ang sarap ng ulam ko - hawaiian daw ang tawag dun. pork siya na may pineapple. sulit ang P45. paglabas namin, tinawag ako ni dan. so tambay muna ako with him. konting kwento tapos naglakad na uli kame. bumalik siyang engg at ako naman tumuloy sa chapel para magsimba.
eto yung homily: ayon daw kay winston churchill, "if we open a quarrel between the past and the present, we will lose the future." ang sabi ni Father Jojo, we have to make use of our learnings from the past to make our present lives better. and having better lives today will eventually lead us to an even better future. hindi yun exactly yung sinabi niya pero that's how i understood it.
after the mass, nag-net ako to get the notes for tomorrow's lecture. tapos punta na sa banawe for therapy. ang tagal grabe. may evaluation thing pa. tapos checkup. wala yung doctor ko talaga kaya si doc charm ang tumingin sken. sabi niya may fibro-something daw ako. di ko talaga mapronounce yung second part pero basta ganun. chronic daw yung pain ko. discontinue/hold muna yung therapy. medication daw muna. may binigay siyang gamot at gel. after two weeks, balik ako uli for checkup. pero pag may hindi raw ako magandang naramdaman, balik ako agad.
pag-uwi ko sa bahay, pahinga lang konti tapos punta naman sa riverside para sa HLT. host ang chapter namin at kailangan kame as service team. nakasabay ko pa sa jeep si batch ko. ayun. ok naman. kumanta lang ako tapos umuwi na rin. kasabay ko si kuya don. sa ilalim ng overpass sa lifehomes, biglang tumigil ang jeep na sinasakyan namin. may tumawid kasing blue boys at TPMO personnel. ayos. sa mismong tinawiran nila, may nakalagay na malaking babala: Bawal tumawid dito. galing no? mismong nagpapatupad ng batas ang lumalabag dito. hay disiplina naman po.
lastly, sa isang area sa EEE, may nakasulat: Studies show that noise can make learning difficult for kids. So kids? BEHAVE.
now there's a group of girls there na sobrang ingay. i was hoping na mabasa nila yung nakapost na yun. and they did. kaya lang, kamusta naman ang reaction? one said: "i'm not a kid anymore.. so i'll be noisy." tapos sagot nung isa, "i'm a kid but i don't wanna learn."
gabi ng 06.11.08
*****
morning. 06.12.08 [happy 110th independence day (nga ba?)]isang napakagandang araw. ang daming message agad ni God, start pa lang ng day. on my way to school, nabasa ko sa jeep na sinasakyan ko, "Jesus is my provider." tapos after my first class, sumakay ako ng ikot jeep to SC. may nakita akong van na may sticker din sa likod. "God never change." ang nice diba? God speaks everywhere talaga. we just have to open our eyes and allow Him to reveal to us His message.
*****
current song in my mind: NONE BUT JESUS - Hillsong United
In the quiet, in the stillness
I know that You are God
In the secret of Your presence
I know there I am restored
When You call I won’t refuse
Each new day again I’ll choose
There is no one else for me
None but Jesus
Crucified to set me free
Now I live to bring Him praise
In the chaos, in confusion
I know You’re Sovereign still
In the moment of my weakness
You give me grace to do Your will
When You call I won’t delay
This my song through all my days
All my delight is in You Lord
All of my hope, all of my strength
All my delight is in You Lord Forevermore
may God be praised!
0 comments:
Post a Comment