BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, March 31, 2008

kamusta ako? (how is ME?)

the last time i blogged was on thursday.. it's been 3 days since then.. so kamusta naman ako? in case interested kayo sa mga pangyayari sa aking makulay na buhay, narito po ang ilang updates.. hehe..

Thursday:
- presentation sa psych. ok naman.. kaya lang kailangan pala ng documentation.. so after the presentation, pumunta ako sa SC para magrent ng pc at gumawa ng documentation.. ayoko ng bumalik pa sa monday para lang magsubmit nun.. before ako magrent, bumili muna ako ng pagkain kasi naman gutom na ako.. and those who know me very well will agree that i can't stand an hour without eating anything.. hehe.. mabilis talaga ako magutom kahit pa marami naman akong kinakain.. kasi nga sakit ko talaga yun.. so yun nga, i did the docu, printed the paper, and went to PHAN to submit.. by the way, sa mga hindi nakakarelate, ang SC po ay shopping center at ang PHAN naman ay Palma Hall Annex kung saan matatagpuan ang Departamento ng Sikolohiya o Department of Psychology.. ang lalim kasi masyado e.. hehe.. ok na sana.. masaya rin pala ako nun kasi binalik ni Ma'am yung mask at map namin.. akala ko walang grade yun pero meron pala.. at nakakatuwa kasi perfect ako.. hehe.. at dahil masaya ako sa result, share ko sa inyo yung write up ko sa mask (just imagine kung anong itsura ng mask ko..hehe.. basta simple lang).. maikli lang 'to.. promise.. *wink*
The mask that I made represents my simplicity. I could best be described as "a little red riding hood with a fighter's soul". I chose the color pink because it's my favorite color and it's also a shade of red. I intended the shading from light to dark because that's who I am: simple, innocent-looking, seemingly vulnerable, but getting stronger and wiser with each experience that I go through.
gusto ko pa nga sanang ilagay sa write up "i'm simply amazing" o di kaya "i'm simply irresistible".. hehe.. just kidding.. =p
anyways, sabi ko nga kanina, ok na sana.. kaya lang may konting problema, pagtingin ko sa wallet ko, P20 na lang ang laman.. goodluck! pano ako makakauwi nun? kahit san ako dumaan, more than P20 talaga yung pamasahe ko.. kaya kulang talaga.. nagtext ako sa mga alam kong nasa up din.. dapat kay Ma'am ako hihiram kaya lang nakakahiya sobra.. hindi ko alam kung kailan pa uli kame magkikita.. alangan namang pumunta pa ako sa up on monday para lang bayaran yung P5 or P10 na hihiramin ko sa kanya diba? so nagtext na lang ako sa mga tao.. umupo sa sunken, at naghintay ng reply mula sa mga tinext ko.. mabuti naman at may sumagot.. at ang nakakatuwa pa, may utang nga pala siya sken.. kaya hindi na ako kelangan humiram.. hehe.. nakakatuwa talaga kung paano ako paglaruan ni God.. pero sa totoo lang, hindi man lang ako nag-worry kasi i know God will provide.. sabi ko sa Kanya kelangan kong makauwi at alam ko magbibigay Siya ng taong tutulong sken.. ang saya no? iba talaga pag si God best friend mo e.. He will never fail you.. ^_^
- music min practice. syempre ito ang favorite activity ko.. na-exercise ko na naman ang aking voice box.. hehe.. wala lang.. i just love singing.. and nothing or no one can ever stop me from singing (and writing as well).. you can try, but you just can't! =D

Friday:
- ano nga bang nangyari nun? wala akong maalala.. hehe.. saglit, i have to check my journal.. ayun.. wala lang.. walang masyadong importanteng nangyari maliban sa nagdaldalan kame ni boi.. tumawag kasi siya.. at nagdaldalan din kame ni jat.. tama ba? friday ba yun? oo, tama.. hehe.. kasi last week madalas kameng magdaldalan e.. thursday, friday, saturday.. wala lang.. tamang tawanan at kulitan lang.. ayun lang.. hehe.. pero may nabasa ako sa journal ko na nangyari rin nung Thursday.. after the music min practice.. we had dinner dito sa bahay kasi dumating si kuya pip.. so konting fellowship lang.. nakakatuwa lang kasi tamang bonding lang kame.. tsaka basta.. happy lang.. ayoko ng ulitin yung sinabi ko sa journal ko kasi basta.. hehe.. alam ni jat kung bakit.. hehe..

Saturday:
- happiness is.. spending time with people you love.. hehe.. wala lang.. nagremit lang kame ng tithes at JMDF sa center.. at nakakatuwa kasi may conference shirt dun.. isa na nga lang e.. large pa.. pero binili ko pa rin.. ipaparepair ko na lang.. sayang talaga e.. umm, ayoko ng banggitin yung mga hindi magandang bagay.. pero in general, ok naman ang araw ko.. tamang bonding din kame ni sidh.. at ni jat na kakulitan namin ni sidh sa text.. hehe.. tapos syempre CLP.. medyo late nga ako nakarating kasi naman may tinapos pa akong importanteng regalo sa dalawang importanteng tao sa buhay ko.. alam na nila kung sino sila.. ^_^ at dahil birthday ng aking anak na si velle, kumain kame sa jollibee.. pero hindi kasama daddy nila kasi kung saang lupalop pa ng pilipinas pumunta.. hehe.. ayun lang.. natural, sumali ako sa discussion nila.. at hindi ko pwedeng kalimutan ang pagkanta.. yehey! module 2 na next week at pwede ng pumalakpak at magtaas ng kamay during worship.. todo na 'to! haha..

Sunday:
ngayon po yun.. wala pang masyadong nangyayari.. syempre, mass kanina.. at kumanta na naman kame.. sabi ni papa ang ganda raw ng 'power of Your love'.. syempre naman.. version namin e.. hehe.. punta ako kina rhoan ngayon.. makikikain.. hehe.. graduation kasi ng sister niya.. tapos mamaya naman, dito sa bahay.. may meeting daw sina velle.. at syempre may kainan uli.. haha.. bukas, may service team meeting dito rin sa bahay.. sana may pagkain din.. haha.. mukha na akong pagkain.. pero di pa rin ako tumataba.. oh well, i'm looking forward to Tuesday kasi check up ko na naman.. ano kayang sasabihin ni Doc Ed? tapos sa Saturday, sa De Los Santos naman.. kay Doc Mario.. pera na naman yun.. hay.. pero ok lang kasi inaalagaan naman nila akong mabuti e..

ang haba na naman ng post ko.. hindi talaga halatang madaldal ako.. hehe.. alis na ako.. punta na kina rhoan.. gosh, late na ako.. hehe..
God bless everyone! ^_^
it's so nice to be happy.. shalalala.. everybody should be happy.. shalalala..
[napansi ko lang, puro pala 'hehe' at 'haha' yung post ko no? hindi obvious na masaya ako.. haha.. na naman.. =D]

************************************************************
at ngayon ay Monday na.. ang daming magandang nangyari kagabi pag-uwi ko galing kina rhoan.. tamang bonding lang kameng pamilya.. what i mean is yung family ko sa community.. (jat, melai, velle.. c eric kasi may sakit e).. the girls stayed with me until around 10am this morning.. basta sobrang saya lang na magkakasama kame.. hehe.. and by the way, tamang movie marathon din pala ako.. turbulence 1, 2, 3.. astig! the best yung turbulence 3: heavy metal.. ayos talaga.. ayun.. hanggang dito na lang ang daldal ko.. i need to go na.. may service team meeting pa kame.. nakaw ko lang ang oras na 'to.. hehe..

God bless everyone! ^_^

0 comments: