hayy.. at isa pang hay.. ito ay isang mahabang post so please bear with me.. i woke up early and headed to the university health service.. again.. i need to see doc ed.. pagdating ko dun, wala si ate janet, yung secretary niya.. at ang malungkot dun, wala rin si doc ed.. he is out of the country.. kaya pala sa april 1 pa niya ako pinapabalik.. i texted mama and papa.. and they have decided na sa capitol med na lang kame pumunta.. mas mabuti raw kasing makapagpaconsult na ako ngayon.. Holy week na kasi at malamang wala ng mga doctor starting tomorrow.. so after the networking exam, which was a tough one, dumaan lang ako saglit sa main lib para i-hug sina dan, binoy, at chai, tapos diretso na sa capitol med.. dun na kame nagkita ni mama.. una naming pinuntahan ang room ni Dr. Tuason.. pero wala siya.. his assistant, Dr. Pete Guevarra, is already out.. 10-12 lang daw kasi ang clinic niya.. pero dahil naawa sa amin ang assistant niyang si ate tess, tinawagan niya si Doc Pete at salamat naman kasi bumalik siya.. kaya lang, ang nakakatawa, si Doc Pete pala ay isang cancer surgeon.. pero ang galing pa rin ni God kasi gumawa pa rin Siya ng paraan para hindi masayang ang punta namin dun.. may tumawag kay Doc Pete, isang ortho surgeon.. si Doc Leo Daniel Caro.. so Doc Pete referred us to him.. pumunta kame sa clinic niya sa 11th floor ng capitol med.. eto na.. isa pa.. hay.. may bago na namang natuklasang problema.. ok na sana e.. sabi kasi niya sisiw lang daw yung scolio ko.. at wala na raw akong ililiit pa.. although problema ko rin ang scolio, hindi yun ganun kalala.. so i don't need to worry.. kaya lang.. may problema pala ako sa balikat.. hay talaga.. eto, mag-reresearch ako tungkol sa sakit na yun.. binigyan niya ako ng gamot at nagsabi siya ng mga dapat at hindi ko dapat gawin.. sabi rin niya, i need to drink gatorade.. kasi dehydrated na ako.. water is not enough daw.. regarding my gastro problem, ok lang daw yun kasi may gamot naman ako.. basta kelangan ko ng gatorade or hydrite every afternoon.. isabay ko raw sa merienda.. ang yaman ko no? ang sosyal.. hay.. i'll see him on the 25th.. medyo nakakatakot lang pero alam ko namang hindi ako pababayaan ni God.. matapang daw kasi yung gamot na binigay niya sken.. so if ever hindi ko kayanin yung effect, punta na lang daw ako sa emergency kasi he won't be around starting tomorrow.. sa tuesday na uli siya babalik.. most probably, i'll undergo therapy.. pero baka hintayin ko na lang din si Doc Ed.. hay.. windang na ba kayo? ako rin e.. problema sa tyan, sa likod, at ngayon, pati pa pala sa balikat.. pero i know in time, God will heal me.. sabi nga ni doneck, hindi hahayaan ni God na masayang lang lahat ng nasimulan ko.. kanina tinanong ako ng isang family friend namin kung kelan daw graduation namin.. i told her that i won't graduate yet.. at malamang tumigil pa ako.. wag naman sana.. i'll spend the whole of summer for my treatment.. i lost weight na naman.. 79 pounds ako before.. 78 na lang ngayon.. pero sabi ko nga, naniniwala akong maaayos din ang lahat ng ito..
sa lahat, maraming salamat..
sa mga kamag-anak ko sa iloilo, wag po kayong mag-alala masyado.. kaya ko po 'to.. salamat sa mga dasal niyo..
sa mga nakausap/nakatxt ko ngayong araw at kagabi: mark, alvin, cris, crix, kuya don, isaac, doneck, te ericka, boi, sobrang salamat sa pagpapalakas niyo ng loob ko..
sa lahat ng mga mabuting tao sa capitol med: Ate Tess, Ate Babes, Doc Pete, Doc Danny, thank you po! sana po marami pa kayong matulungan..
at higit sa lahat, sa mga minamahal kong barkada.. tweet2..
alpha, mars, at sa mga na-hug ko kanina, chai, dan, at binoy.. sobrang salamat.. mahal ko kayo.. sobra..
sa mga patuloy na nagdarasal, bahala na si God magbalik ng kabutihan niyo.. salamat ng marami..
two exams down.. pero marami pang requirements.. kaya ko 'to.. aja! thank you people! *power hug*
God is good all the time.. be blessed everyone! ^_^
0 comments:
Post a Comment