BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, May 23, 2008

negative ako sa h.pylori! ^_^

ang saya talaga! gastric reflux na lang ang problema. clear na rin ako sa aneurysm. i guess. hehe. my therapy is extended for another 3 weeks. matagal daw kasing gamutin yung MPS at lumbar strain. pabalik-balik daw kasi yun. parang gastric reflux lang. yung scoliosis ko naman, wala ng magagawa dun kasi forever na yun, unless ipaopera ko. pero sabi ng doctor, no need for surgery na raw kasi 21 naman na ako. so hindi na lalala pa yun. ganun na lang talaga yun. i'm under medication now. 3 medicines for my tummy, 1 para sa muscles. maraming bawal. bawal mamantika, maasim, spicy, masarsa. may discomfort din ako sa milk kaya bawal din. pati coffee, tea, at softdrinks. water at gatorade lang ang iniinom ko. pero ayos lang naman. sabi ng ortho, bawal daw akong mapagod, mapuyat, ma-stress, ma-tension, magalit, mainis, at magkaroon ng matinding emosyon dahil lalala yung MPS at lumbar strain ko. in short, magpapakamanhid muna ako. hehe. kaya kahit anong mangyari, kahit anong marinig, makita, maramdaman ko, smile pa rin. idadaan ko na lang sa tawa. hehe. ang saya rin kasi i gained 3 pounds. konti lang yun pero ok na rin. basta sundin ko lang lahat ng bilin ng mga doctor ko. ^_^ ang galing talaga ni God. indeed, He is the Divine Healer!

ang saya rin kasi ang dami kong good news na natanggap from the dearest people i've been praying for. si mars, maraming options sa work. and she's really doing well in all her interviews and exams. we're just praying for the best talaga at yung will ni God. si velle, sabi niya nagkaroon daw ng maraming pagbabago sa life niya ngayon. she doesn't worry anymore. si shy, mas inspired sa work niya ngayon at nagiging ok talaga yung relationship niya with her clients. si wewe, ga-graduate na. ang saya talaga! God is really faithful to those who love and serve Him. ^_^ sabi nga ni jat, masarap daw talaga mag-serve kay Lord, at tama siya dun. isa rin yun sa mga pinagpapasalamat ko. kasi magkasama sila ni melai sa service sa rehab. i am really happy to see them both growing in faith. sabi nga sa Psalm 37:4 (thank you twin sis!), "Delight yourself in the Lord, and He shall give you the desires of your heart." iba talaga pag si God ang nagpapatakbo ng buhay natin. and i made this vow with Him: I will live and die for You, my God and my Savior.

at eto pa, talk about God's consistency: during the previous week, eto ang message ni God saken through the Bible.

*Psalm 19:14. "Let the words of my mouth and the meditation of my heart be acceptable in Your sight, O Lord, my Strength and my Redeemer."

*Mark 9:23. Jesus said to him, "If you can believe, all things are possible to him who believes." (Reminds me of the ABC's of prayer: Ask. Believe. Claim.)

eto pa, from In His Steps: "Pray unceasingly. Results will come in His time." (A delay is never a denial from God. ^_^)

ang galing di ba? God is great talaga. He's perfect. He's the best. and i love Him so much! ^_^

here are some of His other surprises:

-> last wednesday, during my therapy, nakita ko si ojie. he's one of the interns who handled me before. sa ibang department siya pero nakakatuwa lang kasi at least nagkita pa rin kame. nagulat nga ako e. tapos si ms. ronsie nang-asar. hehe. wala lang. kumportable na talaga ako sa POC. parang 2nd home ko na yun. hehe. tapos ang galing pa ng humahawak saken ngayon, si carol. sana siya uli sa monday. ^_^

-> habang nag-aabang kame ng jeep ni mama kanina, may dumaang tricycle. tapos bumaba yung lolo. tapos sabi nung dalawang apo niya sa loob ng tricycle, "babye! yabyu!" hehe. ang cute talaga. natuwa ako. bulol pa sila kasi maliliit pa e. nakakaaliw.

-> kinuwento ni jat si owa. that kid never fails to make me smile. he's so special talaga. gusto ko na ngang ampunin e. hehe.

-> may ticket na rin si alpha for the Hillsong concert. thanks to shy! yehey! ^_^

-> nanalo si david cook! haha! at nakita ko uli magperform si jason castro. grabe, ang saya! JC at DC talaga ako! ^_^

marami pa. pero baka hindi na ako matapos kung ililista ko lahat. hehe.

3 tulog na lang, Hillsong concert na! yey! i'm so excited. ^_^

to end this post, i would like to share a verse i read last night after my prayer time.

a comforting verse to those who are in pain: Sorrow is better than laughter, for by a sad countenance the heart is made better. -Ecclesiastes 7:3-

~*The greatest thing in life is finding someone who knows all your mistakes and shortcomings, yet still finds you absolutely amazing.*~ [i have found that Someone. i have found God! ^_^]

P.S. please pray for my brother. exam niya today. his only chance to get back to school. thank you! ^_^

0 comments: