BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, June 30, 2008

life is all about choices.

just some reflections before the month ends..

yesterday was the celebration of my tita ana's birthday. one of her friends wasn't able to come because she cannot leave the aged man she's taking care of. umalis daw kasi si ate niya at sa kanya iniwan si kuya. sa totoo lang, medyo hindi na nga tama yung ginagawa ng pamilya ng matanda sa kanya. the wife and their only daughter live as if sila na lang ang miyembro ng pamilya. sa kasambahay na nila inasa lahat ng dapat sila ang gumagawa. matagal ng gustong umalis ni ate L dahil napapagod na rin siya at gusto naman din niyang bigyan ng panahon ang sarili niya. pero hindi niya magawang iwan si kuya dahil naaawa siya. at dahil napamahal na rin sa kanya yung matanda. itinuring na nga niyang ama. masakit lang sa kanya dahil hindi man lang daw niya nagawa sa tatay niya yung mga ginagawa niya ngayon sa amo niya na hindi man lang niya kamag-anak. anong meron sa kwento ni ate L? well, medyo ganun din ang kwento ko. sa dami ng pinagdaanan ko sa community kung saan ako nabibilang, kung tutuusin, marami na akong dahilan para umalis. sa dami ng luhang naiyak ko na, dapat matagal na rin akong sumuko. sa dami ng sakit na naramdaman ko, dapat hindi na ako nagmamahal. i could have escaped life itself. i could have acted badly. i could have revenged against people who have hurt me. but i chose to fight, to go on with my life, to forgive, to be as kind as i could, to do good things as often as i can, and to just cry when i can no longer bear the pain. pinili kong manatili. pinili kong mabuhay. all for one reason: God! He never gave up on me. I, too, will never ever give up on loving and serving Him.

this morning, i had a meeting with my thesis adviser. after that, i decided to attend mass at the UP chapel. the celebrant was Father Jojo, one of my favorites because of his brief, but substantial homilies. today's Gospel: When Jesus saw a crowd around Him, He gave orders to cross to the other side. A scribe approached and said to him, "Teacher, I will follow You wherever you go." Jesus answered him, "Foxes have dens and birds of the sky have nests, but the Son of Man has nowhere to rest His head." Another of His disciples said to Him, "Lord, let me go first and bury my father." But Jesus answered him, "Follow Me, and let the dead bury their dead." [Matthew 8:18-22]

the homily focused on the underlined verse. according to Father Jojo, what the disciple meant was this: I will follow You Lord but I will first finish my responsibilities. to me, it's like, "yes Lord, I will serve You, but not yet now. I still have a lot to do." ilang beses na ba nating nasabi yun? at ilang beses na rin nating narinig yun? sa dami ng na-invite namin sa CLP, maraming nagsabing wala silang time. nakakalungkot lang na nawawalan tayo ng oras para sa Panginoon. sabi ni mars, master daw ako sa time management dahil bukod sa acads, adik din ako sa service, tapos dati may lovelife pa rin ako. hindi ko rin alam kung paano ko nagagawa lahat ng dapat kong gawin. i do cram. natatambakan din ako. pero natatapos ko naman. wala nga lang tulugan. hehe. actually ngayon, nawiwindang na ako kung paano ko hahatiin yung oras ko sa dami ng responsibilities ko sa school, sa service/church, sa family ko, sa sarili ko, at kay God (apart from service). pero kanina, after kong malaman yung mga dapat kong gawin, i simply told God, "Lord, be my planner." by the way, hindi pa po 'to yung homily. hehe. thoughts ko lang 'to. eto na yung homily: sabi ni Father, we tend to procrastinate. we don't seize the moment. mahilig tayo sa "next time/sandali lang/mamaya na lang." i believe true yun sa lahat ng aspects ng life naten. kasi marami na rin akong nasayang na pagkakataon just because i was waiting for the "perfect moment." ilang beses na ba akong hindi nakatulog dahil sa hindi ko lang nasabi o nagawa yung isang bagay na gusto kong sabihin o gawin. i claim that i'm living and loving the moment, but i admit, not to the fullest yet. may hesitations pa rin ako. especially when it comes to telling people how i feel. last night, on our way home, he asked me, "ano nga pala yung sasabihin mo sken?" my reply was, "hindi tama yung setting para pag-usapan e." and he told me, "wala namang perpektong pagkakataon e." at eto ngayon, yun din yung message ng Gospel. SEIZE EVERY MOMENT. kung hindi ngayon, kailan pa? nauubos din ang bukas.

every little thing is a gift from God, time included. how we manage our gifts is our way of showing God that we're grateful and that we're good stewards of what is entrusted to us. we only live once. let's not waste even a second of our precious lives. whew! sana magawa ko 'to - not to miss the little things. ^_^

this week, i will be busy, as always. hehe. exam + experiment + presentation + chapter assembly + fellowship + household. kaya ko 'to! God is my planner. sabi nga sa Facing the Giants, just do your best for God and leave the results to Him.

life is now or never. let's choose to live it NOW! ^_^

Saturday, June 28, 2008

buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan..

Nabasa ko kahapon sa isang artikulo sa Philippine Collegian: Hindi mapipigil ang bagyo, iba rin ang may hawak sa kuryenteng dumadaloy sa bahay, at hawak naman ng kuryente halos ang buhay. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na isang malakas na bagyo (Frank) ang sumalanta sa ating bansa noong nakaraang linggo. At nagdulot ito ng napakaraming trahedya, kabilang na ang paglubog ng MV Princess of the Stars, kung saan marami ang binawian ng buhay, at marami pa rin ang hindi pa natatagpuan o hindi pa naiahon ang mga bangkay hanggang sa ngayon. Dagdag pa ang panibagong hadlang sa retrieval operations: ang kargang nakalalasong kemikal ng nasabing barko. Hindi ko mapigilang mainis sa pamunuan ng Sulpicio Lines sa pagiging iresponsable nila. Paumanhin sa ginamit kong salita pero sa tingin ko, yun ang makakapaglarawan sa kanila. Naging pabaya sila. Hindi man lang nila inisip ang kaligtasan ng mga taong ang hangad lamang ay makatulong. Paano na lamang kung hindi pa nalaman na may lason pala at nagpatuloy ang retrieval operations at tuluyan ng tumagas at nalanghap ng rescue divers yung kemikal, e di mas marami pang biktima? Sana naman maisip ng mga taong may katungkulan ang mga ganung posibilidad. Hindi ko rin masisi kung bakit ganun na lamang ang galit ng mga kamag-anak ng mga biktima sa nasabing trahedya. Sana lang hindi na talaga maulit ang mga ganung uri ng aksidenteng dulot ng kapabayaanan ng iilan.

Kahapon, nabanggit kong when it rains, it pours. (ang hirap ng pure tagalog. hehe. taglish na lang uli ha? feeling ko isa itong pormal na sulatin e. well, hindi naman ito graded so okay lang na tamang kwento lang ako. ^_^) Kung iisipin natin, parang wala ngang magandang dulot ang ulan. Pero gaya ng lahat ng bagay, may mabuting epekto din ito. At syempre, yun ang sisikapin kong i-explore.

Ang galing lang kasi during the previous weeks, I've been reading the Book of Job, tapos early this week, nakita ko yung Kerygma magazine sa UP chapel, at sabi ko nga hindi aksidenteng nakita ko yun, kelangan kong basahin yun, well, true enough, marami nga akong natutunan from it. Amazing how everything seems to be connected. The Book of Job, the Kerygma magazine, the rain, and my recent experiences, particularly, my struggles.

The article that caught my attention was: Why me, Lord? (When Good People Experience Suffering) by Bishop Soc Villegas (he was still Msgr. that time - March 1999). Habang binabasa ko yung article, kinakausap ko rin si God. Nakakamangha kasi kung paano Niya pinapadala sken ang mga mensahe Niya. Would you believe that in the said article, Bishop Soc also used Job as an example? I quote, "In the Book of Job, we can see that Job, a righteous man, was fenced in by human sufferings. He went bankrupt. He was deserted by friends. He said to himself, "God has struck me and the devil has fenced me in. My only way out is death." Many of us can identify with Job..." Galing diba? Consistent si God sa message Niya. And when He teaches a lesson, siguradong tatatak sa puso't isipan naten kasi paulit-ulit Niyang ipapa-realize sa atin yun. God is undeniably the best teacher because He makes sure that we will learn our lesson. Hindi Siya napapagod ulit-ulitin sa atin yung mga dapat nating malaman. Amazing talaga. I wish I could post the whole article here but I would first have to ask permission from the author. But I think it would be ok if I would just quote him. Anyway, published naman yung article sa isang magazine e and besides, it is good news that I'm spreading, diba po? ^_^

Having said that, let me now share my realizations.

Bishop Soc said, "Even Jesus suffered." That's exactly what I tell myself and my parents every time we experience pain. At kung tutuusin, hindi naman Niya dapat naranasan yun. I remember Father Rabonza. Years ago, during a Holy Week mass, he asked us to stand up, bend our knees, and spread our arms. That was his homily. We were in that position for not less than 20 minutes while he was giving his sermon. He asked, "masakit ba? nahihirapan na ba kayo? isipin nyo si Hesus. mas matindi pa dyan ang pinagdaanan Niya bilang parusa sa kasalanang hindi naman Niya ginawa." Nakapikit kame nun pero alam kong lahat ng tao sa simbahan ay tumutulo na hindi lang ang pawis, kundi pati na rin ang luha. Nakakahiya. Kung makareklamo tayo sa Diyos, ganun na lang, pero kung tutuusin, mas unfair nga yung nangyari kay Hesus. Sabi pa ni Bishop Soc, nagsimula raw ang suffering ni Jesus hindi sa pagharap Niya kay Pilato o sa paghuli sa Kanya, kundi sa Huling Hapunan. "Yes, there was no nailing, no scourging, no crowning with thorns during this event. But there certainly was psychological anguish which the Lord was going through. And this was actually more painful than the physical pains that He had to endure when the Stations of the Cross began." i definitely agree. emotional pain is a lot harder to deal with than physical pain. it cannot be healed by any pain reliever. a wounded heart bleeds more than a wounded skin. at mas masakit yun kasi hindi mo naman pwedeng lagyan ng betadine or band aid ang puso, diba? Bishop Soc added, "We can identify the pains of the Lord with our own pains. Most of us may not suffer materially but the comfort that money can bring is nothing once we know the pain and anguish of being betrayed by a friend." whew! enough said. betrayal is the most painful of all hurts, i think.

[lumabas ako saglit para kumain at naabutan kong nagpapatay ng lamok ang kapatid ko. napag-usapan lang namin, ano nga ba ang silbi ng mga lamok? lahat ng bagay, tao, hayop, at halaman ay may silbi? pero ang lamok, bukod sa magdulot ng sakit, ano nga ba ang mabuti nilang pakay? natuwa ako sa sagot ng kapatid ko, "alam ko na ang silbi ng mga lamok, para matutong maglinis ang mga tao." ^_^]

"Every day we suffer." Mula sa paggising sa umaga, hanggang sa pagtulog naten sa gabi, we all experience sufferings of all kinds - may simple, may komplikado, may mabigat, may magaan. At ang katotohanan, we suffer because we belong to God. "It seems that the fate of those whom the Lord really holds close to His heart is to suffer the cross." The following is one of my favorite parts in the article. Kasi it talks of St. Teresa of Avila, my patron saint (Oct. 15). Naisip ko lang, what if I was named after her? Malamang ang nickname ko ay Tere. Umm.. Aiza na lang. Hehe. Anyway, here it is. The life of St. Teresa of Avila showed that she was persecuted even by Church authorities. She was misunderstood and maligned by her own confreres. She was distressed, she suffered dryness in her prayers for so many years. Finally, in prayer, she asked the Lord, "Why do You allow all these trials! Why do You allow all these persecutions to come to me!" And the Lord appeared to Teresa of Avila and said, "Teresa, that is how I deal with My friends." And Teresa responded, "That is why You have few friends. To be Your friend means to suffer with You." Nung nabasa ko 'to, nasabi ko sa sarili ko, "ahh.. kaya pala.. pareho kame ng kwento ng patron saint ko. astig naman. now i understand." Eto yung kasunod na paragraph: Very clearly in the Gospel, the Lord tells us that His disciples, the first followers of the Lord, had to suffer the same fate, to be persecuted. Why? For only one reason: they were friends of Jesus. The Lord holds the cross very precious to His heart. And, therefore, He only gives His precious jewel to His precious friends. Unfortunately, His precious friends are us, so we have to suffer the consequences of our friendship with God. [sigh.] ang hirap no? pero that's how it is. "There is no explanation why people suffer. The only thing I can recommend is, when you see good people suffering, look at Christ on the cross. If you can understand why the Father allowed Jesus to suffer like that, then you would be able to understand why good people suffer." To end, (because my back aches already) let me quote, again, Bishop Soc Villegas. This will be a bit long. Pero kasi hindi ko na masasabi pa 'to in a better way. "..pain is only a means of joy. Death is only a means of life. Our sufferings are only means to our glory. We cannot attain glory, we cannot attain Easter Sunday, we cannot attain joy, unless we are willing to die, to allow the temple of our bodies to be destroyed, to allow our pride to be broken down, so that the Lord can raise us up again. [may naalala na naman ako, pag tinanong daw sa simbahan kung sinong gustong pumunta sa langit, lahat magtataas ng kamay.. pero kapag tinanong na ng pari kung sinong gustong mamatay, wala ng magtataas.. matagal ng joke 'to pero kung iisipin, totoo naman diba? ^_^] This is also the story of our lives. Sometimes we can say, "I live in a valley of tears." Sometimes we complain to God, "Dear God, I did not live a single day when I didn't cry. Dear God, I have not lived a day in my life when I wa not troubled or hurt." And yet brothers and sisters, we know that because we are hurt, because we are pained, we too, will rise again with the Lord. Although we cannot reverse the turning of the palm branches from fresh green to dry brown, we must not forget that for those who trust in God, even the driest of palms can turn fresh again.."

How is this related to rain? Well, the rain, just like the tears, though they are signs of pain and loneliness, cleanses, soothes, heals, relieves. Kapag umuulan, nalilinis ang paligid, nalilinis ang hangin, pero higit pa roon, nagkakaroon tayo ng pagkakataong manahimik, mag-isip, magnilay-nilay. Wala tayong magawa kundi manatili sa bahay, palipasin ang oras sa piling ng mga taong mahalaga sa atin. Ang ulan at ang bagyo ang nagbibigay sa atin ng pagkakataong makasama, makakwentuhan ang ating pamilya. Aminin man natin o hindi, masyado ng busy ang mga buhay natin. Halos may kanya-kanya na tayong mundo. Pero sa mga panahong malakas ang buhos ng ulan, baha sa labas, wala tayong choice kundi magstay sa bahay at bumalik sa "mundo" kung nasaan ang higit na mahahalagang bagay at tao.

The rain, the tears, the sufferings have one thing in common: they cause destructions, but they also lead to restoration and peace. We just have to be strong and always look forward to finding the pot of gold at the end of the rainbow. ^_^

I hope I made sense. Hehe. Dumating na si Alpha, nood muna kameng Facing the Giants. Tapos punta na sa CLP. Hindi ako masyadong busy no? Hehe.

May isa pa pala akong gustong i-share: from the same article, Our greatest enemy is the sinful self, the old self that urges us to take the easy way out, the self that tells us to get over others, otherwise, they will make a fool out of you. The self that opts for revenge rather forgiveness.

end of post.

God bless everyone! ^_^

Friday, June 27, 2008

when it rains, it pours..

i just can't contain what i feel. God is so amazing. and He remains faithful despite my unworthiness. since my last post, a lot of good things have happened (and i know, will still happen). here are some of the highlights of my week:
*yesterday, alpha and i attended the 12pm mass at the Parish of the Holy Sacrifice. it was the feast of St. Josemaria Escriva, the founder of Opus Dei. the very essence of the homily was this: Sanctity is possible. There is something holy in the very ordinary things that happen in our lives. and i agree. i believe we just have to open our eyes to see the beauty and purpose of everything. easier said than done. but believe me, life will be better if we learn how to see the positive rather than the negative. take it from me. ^_^ after the mass, a lady approached us and gave us prayer cards. and i felt blessed. the lady was Ma'am Punzalan, a faculty from the Institute of Biology. happy kame ni alpha na na-meet namin siya. bagong prayer partner na naman. i remember shy, she was the one who shared to me the prayer of Jabez, "extend my territory." ^_^
*today, i woke up with a not-so-peaceful heart. maybe because i didn't have a restful sleep (i've been thinking a lot lately). and maybe because i was a little worried about my meeting with my thesis adviser. i said my morning prayer and offered everything to God. indeed, He ruled my day. despite the so-many not-so-good/stressful things around, i was able to enjoy the day. at ang mas nakakatuwa dun, morning pa lang, inulan na ako ng happy moments. a friend told me that he passed the board exam, my dearest foreverfriend mars finally got a good job offer (and she already accepted it), i had a good chat with one of the interns at the Philippine Orthopedic Center (i went there for my check-up with Dr. Basibas), i ate a lot, and most of all, my meeting with my adviser went really well. thanking God is not enough. i can't stop praising Him for always allowing me to experience His presence, His power, and His majesty. by the way, eto pa pala, yesterday, dala ko yung physics book na ipapahiram ko kay Chai. usually, naglalakad lang ako from Balara to EEE kasi ang tagal dumating ng Toki. pero dahil sa mabigat yung dala ko kahapon at medyo malapit ng mag-730, kelangan ko na talagang sumakay ng jeep. pagbaba ko ng Katipunan jeep, habang naglalakad, i closed my eyes and whispered, "Lord, please po, I pray na may dumaang Toki. Thank you po." pagdating ko sa kanto, kung saan dumadaan ang Toki, saglit akong naghintay, at dumating na nga ang Toki. ang saya! kung tutuusin, simple lang naman yun. pero that's exactly the point, God works even in the simplest of things.
ayun lang. i just can't let this day pass without sharing how God has blessed me and the people around me. isa pa pala, i confessed kanina sa Quiapo and the priest was kind enough to give me advice regarding an issue that's been bothering me since the last time i saw my ninang.
what's with the title? well, that's how life goes. when it rains, it pours. kung pakiramdam niyo binabagyo na kayo ng mga problema, be still, know that God is working overtime para bagyuhin naman kayo ng blessings. living witness ako sa katotohanang yun. ako kasi, laging inuulan ng problema at struggles sa iba't ibang aspeto ng buhay ko, pero inuulan din ako ng blessings, at kung hindi man ako yung i-bless, yung mga tao namang pinagdarasal ko. laban lang tayo. God never gave up on us, wala rin tayong dahilan para sumuko. ^_^
ang ingay dito sa net shop, pero sa utak ko, i'm singing, "I will live to love You. I will live to bring You praise. I will live a child in awe of You."
i love God. He loves me more. ^_^

Tuesday, June 24, 2008

isang mabilis na post..

isang magandang araw. naglakad ako mula balara hanggang sa bldg namin. trapik kasi. while walking, tumingala ako at nasilayan ang magandang ulap. parang kelan lang ang dilim ng buong paligid dahil kay bagyong frank. i sighed. at nakipag-usap kay God. "Lord, i entrust to You everything. Ikaw na po ang bahala sa araw ko. Allow me to see the goodness and beauty of everything around me."

after my first class, i received a message from sidh. "You are never alone. I will not leave you comfortless: I will come to You. (John14:18)"
nabasa daw niya sa poster na nakadikit sa window ng FX. at naalala niya ako kasi alam niyang mahilig ako sa mga ganun - random words of wisdom/encouragement.

ang galing lang kasi God really speaks to us everyday. we just have to listen.

tapos pagbaba ko sa chapel to say my morning prayer, napansin ko yung billboard. tagal ko ng nasa UP pero kanina ko lang nabasa yung nakasulat.
"The Lord is my light and salvation. Whom shall I fear? (Psalm 27:1) Experience the light. Read the Bible."

i was really amazed. at eto pa, after ko mag-pray, nakita ko yung Kerygma magazine, 1999 issue pa yun pero i asked permission from the guard if i could borrow it kasi may nakita akong article na sa palagay ko ay kelangan ko talagang mabasa. it says, "Why me, Lord?" i promise to share it after kong basahin.

yun lang po. God rules! ^_^

Four Reasons to be Courageous

this was the homily yesterday. ang ganda ng reflection sa Sambuhay. i just can't keep it to myself.

some words of wisdom from the priest:

On "the inconvenient truth": When you are inconvenient, God is telling you to change.

Love the treasures of heaven, not of the world.

Life is a matter of lessons to be learned.

and now, the reflection by Fr. Domie Guzman. (i got this from Sambuhay, 22 June 2008)

Gospel: Matthew 10:26-33 (Discipleship and its Cost)

Jesus' words identify two sources of fears for the disciples: bodily harm, and false accusations. Such fears can paralyze. Contemporary studies at the University of California show that people can have the same talents and opportunities. Some may succeed; others may fail because of uncontrolled fears and anxieties. Persons can have the same IQ, incomes, intellectual preparations, but the level of healthy self-confidence makes the big difference.

Jesus exhorts the disciples not to be overwhelmed with fears:

Verse 26: "Nothing is concealed that will not be revealed."

The word of God is powerful, and will always fulfill itself. It is only a matter of time. Truth always triumphs.

Verse 28: "Do not be afraid of those who kill the body but cannot kill the soul."

Persecutions are truly present in the disciples' life. These persecutions should be a sure sign that the disciples are producing the friction necessary to bring the message to an unwilling world. J.P. Mahaffrey, a scholar from the Trinity College in Dublin says a real Christian should be one who is "offensively a Christian." A Christian lifestyle that makes no waves, and rocks no boats is lukewarm.

Verse 31: "You are worth more than sparrows."

These birds are insignificant, for they were worth half-coin each! Nevertheless, God is concerned with their "falling to the ground." The most common understanding of this passage is that it refers to the death of the sparrow. God is concerned about the death of something worth half-coin. However, it is argued that the expression better means "not a single sparrow lights upon the ground without your Father's consent." The innumerable times that the half-coin worth sparrow lights and takes on wings again attests to the constant love and care of God. Nothing happens by accident; all things - and all events - are present before God.

Verse 30: "Even all the hairs of your head are counted."

God is meticulous. He appreciates even small things; the sparrow... our hair. He counts all our hair! On the average: the blonde is said to have 145,000 strands; the dark haired 120,000, and the red-haired around 90,000 strands. All these grow at an average of 1 inch a month. The ultimate reason why we should not fear then is this: God is faithful, and He looks after each one of us.. to the smallest detail of our lives.

end of reflection.

the hardest thing to do is say bye bye..

i never knew i could hurt like this and everyday life goes on
i wish i could talk to you for a while
miss you but i try not to cry
as time goes by

i'm facing another challenge. yesterday, i collapsed on my way to school. pero hindi naman ako agaw eksena kasi kahit na maraming dumadaan sa petron sa katipunan, wala namang lumapit saken para tumulong. i guess dahil na rin sa rush hour tapos trapik pa so lahat ng tao nagmamadali. hindi naman ako nawalan ng malay, in fact, naitukod ko pa yung siko ko kaya hindi lumapat ang ulo ko sa matigas na semento. muntik na. hay. ewan ba, wala naman akong naapakang balat ng saging, whatever. hindi rin naman basa yung daan. basta lang nawalan ako ng lakas at naramdaman ko na lang na nasa semento na ako. parang may gong sa ulo ko pagbagsak ko. whew! akala ko wala lang pero mahapdi talaga yung siko at ankle ko. pagtingin ko, may sugat pala. hay. takot pa naman ako sa dugo. pero syempre tuloy pa rin ang araw. pag-uwi ko sa bahay, higa lang ako tapos tulog na hanggang gabi. ginising lang ako para kumain at uminom ng gamot. tapos tulog na uli. ang sakit ng buong katawan ko. at syempre terible yung ulo ko. hay. buti na lang wala akong pasok ngayon. sabi ni vhel baka raw dahil sa fibromyalgia ko. naisip ko rin yun. sa tingin ko kelangan ko na talaga magpatingin sa neuro. medyo nagiging mahiluhin kasi ako lately. feeling ko laging lumilindol. anyway, yung tungkol sa fibromyalgia, mababasa niyo rin dito. hindi kasi ako nakapag-online nitong mga nakaraang araw kaya hindi ko na-post.

ano nga palang kinalaman ng title sa content ng post kong ito? wala lang. narinig ko lang kanina yung song ni mariah. hehe. seriously, secret. haha.

anyway, i just wanna share some thoughts.

God's will is unquestionable. He knows our every need and He gives us what we deserve.

nagsimba kame ni alpha kahapon. sabi ni Father sa kanyang homily: "Prayer is a way of life. The strength of prayer does not depend on the one who prays but to Whom it is addressed. May your prayer be a committed prayer and may it be a prayer from the heart. Pray not to change God but to let God change you."

ang nice lang kasi sa lahat ng nangyayari sken ngayon, God still speaks to me. for the past two days, i've been reading The Book of Job. chapter 14 na ako. super nakaka-relate ako. read it and you'll be inspired too. in the first chapter, i have witnessed how Job has been faithful when he said: "Naked I came from my mother's womb, and naked shall I return there. The Lord gave, and the Lord has taken away; blessed be the name of the Lord." in the second chapter, he said: "Shall we indeed accept good from God, and shall we not accept adversity?" but in the third and succeeding chapters, napagod din siya at nagsimula ng magtanong at mabagabag. in the third chapter, he regrets his birth. sabi niya, "Why is light given to him who is in misery, and life to the bitter of soul..?..I am not at ease, nor am I quiet; I have no rest, for trouble comes." even Job almost gave up. nanghina rin siya. pero alam naman naten na in the end, God still blessed him and his family. naniniwala akong God knows best at hindi ko talaga pwedeng i-question yung will Niya. sabi ko nga kay jat, kakayanin ko 'to. sabi rin ni Arun Gogna, "I will serve the Lord till my last breath." ganun din ako. at alam ko basta si God ang kinapitan ko, magiging maayos din ang lahat. sabi ni ate glenda, "remain strong. stay in love with JC." i will. ^_^ hindi ko pa natatapos basahin yung buong book ni Job. share ko yung iba ko pang matututunan next time. basahin niyo rin if you have time. well, we should make time for Bible reading/study, right? ^_^

to end, let me share this thought which i learned during our upper household last Tuesday: [thanks ate jing. ^_^]

~The will of God will never take you where the grace of God will not protect you.~

i trust in You, Lord. i always will. [06.20.08]

*****

i belong to the 2% of the general population.. [06.14.08]

i did a research on the recent diagnosis given by Doc Charms - fibromyalgia, and i found this very useful information from Wikipedia. here's the link: http://en.wikipedia.org/wiki/Fibromyalgia

if you're interested, check it out. you'll learn a lot.

in my case, medyo alarming lang kasi lahat ng sinabing symptoms and signs dun, nararamdaman/naeexperience ko. pero sabi naman hindi siya deadly e. so hindi ako kelangang mag-worry. i'm taking pregabalin (lyrica). after two weeks, balik daw ako.

*****

papa.. i love you.. [06.15.08]

happy father's day sa ating mga ama at sa lahat ng mga ama!

some thoughts lang.

"Listen to your father who begot you." [Proverbs 23:22]

"The father of the righteous will greatly rejoice, and he who begets a wise child will delight in him." [Proverbs 23:24]

sabi sa isang card sa papemelroti: Father is another word for love.

and finally, ang food for thought sa Mel & Joey kanina: Any man can be a father but it takes someone special to be a dad. - Anne Geddes

*****

some thoughts to share.. [06.23.08]

obviously, hindi pa rin ako nakakapagnet kaya humahaba yung post ko. here are some of my learnings during the previous days.

"Do not let your hearts be troubled. You have faith in God; have faith also in Me." [John 14:1] With God by our side, worry has no place in our hearts.

"God would not have chosen you if His heart could not love you. He would not have adopted you if His hand could not bless you." -nabasa ko 'to kanina habang nagliligpit ako ng mga gamit. ang ganda lang.

"Everything dies if you do not believe."­ [Peter Pan] -eto rin. naalala ko yung Kung Fu Panda: there is no special ingredient. you just have to believe. ^_^

"Kung sa tingin mo wala ka ng magagawa, magdasal ka. Dahil ang Diyos, may magagawa pa." [Cecille, Joaquin Bordado] -o diba, may aral din akong napulot mula dun? hehe.

"Ang pag-ibig kasi ay parang flush ng camera. Kahit handa ka na, bigla na lang itong sasabog sa harapan mo at pansamantala kang mabubulag nito." [Lovers in Prague] -astig 'to. wala lang. naglilipat lang ako ng channel tapos natapat sa QTV 11. yun nga yung palabas. tapos sakto, yun ang eksena. ang galing no? wala talagang aksidente. lahat may dahilan. ^_^

"Do you know that of the 72% water-composition of the Earth's surface: 97% is salty and unusable, 2% is tied up in icecaps, 0.5% is more than half mile below the surface. Meaning, only 0.5% is available for our freshwater needs. Don't waste it, please." -nabasa ko sa CR sa UP.

"Only the prayers of those with humble hearts will be heard by God." -homily 'to two weeks ago. ngayon ko lang na-share kasi ngayon ko lang uli nakita yung pinagsulatan ko nito.

lastly, here's a prayer given to us during a Girl Scout World Conference (i was part of the service team then, sa media ako. it was one of the best experiences i ever had.) last June 2002. tagal na no? i was going through some old stuffs kagabi hanggang kanina tapos yun nga, nakita ko 'to. it's a good prayer especially for workers.

Before Work

Father, may everything we do begin with Your inspiration and continue with Your saving help. Let our work always find its origin in You and through You reach completion.

Lord, pour out on us the spirit of understanding, truth, and peace. Help us to strive with all our hearts to know what is pleasing to You, and when we know Your will, make us determined to do it.

God, our Father, work is Your gift to us, a call to reach new heights by using our talents for the good of all. Guide us as we work and teach us to live in the spirit that has made us Your sons and daughters, in the love that has made us brothers and sisters. Grant this through Christ our Lord. Amen.

and a quote: "I do the very best I can, I mean to keep going. If the end brings out all right, then what is said against me won't matter. If I'm wrong, ten angels swearing I was right won't make a difference."

"Do your best, that's all anyone can ask of you. Even yourself."

end of post. the homily yesterday deserves a separate post. ^_^ God bless everyone!

Saturday, June 14, 2008

where do broken hearts go?

wala lang. i was watching Startalk. they had an interview with Lorna Tolentino and that was the hanging question: where does Lorna go from here? hindi ko rin alam. all i know is that i will always pray for her and her children.

speaking of broken hearts, share ko lang yung thoughts ko kagabi before matulog: how could my already broken heart be broken again? i'm crushed and i'm tired. i've had more than enough. almost always, i receive "kisses of death" from the people i held close to my heart. and they kept me wondering, how could they say they admire me and that i inspire them and that i am a blessing to them, and yet they do things which they know would hurt me and cause me deep sorrow? how could you hurt someone special to you? i remember this song: how could an angel break my heart? i wish people would just be real at sana hindi na lang nila sinabi/sinasabi/sabihin saken na they see Jesus in me and that i inspire them kung sasaktan din naman pala nila ako. kiss of death e. and it's damn painful.

*****

Today's Gospel:

~Let your 'Yes' mean 'Yes,' and your 'No' mean 'No.' [Matthew 5:33-37]~

Are we willing to give our 'yes' to the Lord even if it entails a lot of sacrifices? Bishop Soc Villegas once said, "When you say YES to God, you have to say NO to sinfulness and worldliness." May we choose to live our lives for God and with God. Let us be His faithful army ready to do His will and win the battle for Him. "We say yes Lord, yes Lord, yes, yes Lord... Amen."

-i sent this message to my distribution lists. unfortunately, may topak na naman ang Globe at ang hirap na namang magsend so hindi ko nasend sa lahat. kaya dito ko na lang ipopost. ^_^-

*****

tamang bonding with my batch. medyo na-late ako sa usapan kaya nagsuplado na si sidh. hehe. sorry batch! ^_^ nag-remit kame ng tithes at bumili ng id holders at Glory sa CFC Center. tapos punta kameng Megamall, bumili ng movie ticket, kumain sa Tokyo Tokyo, at nanood ng Kung Fu Panda. wohoo! ang saya. tawa kame ng tawa. basahin niyo na lang yung movie review ko para malaman niyo kung gaano ka-ganda ang Kung Fu Panda. ^_^

pag-uwi, dumaan kame sa Mercury para bumili ng gamot ko at ng pagkain niya. tapos sakay na sa bus. nakakatuwa nga kasi naman yung nasakyan naming bus papunta, yun din yung nasakyan namin pabalik. tapos ang palabas, yung libing ni Daboy. so after ng tawanan, iyakan naman kame ni sidh. hay. i swear, tumutulo talaga luha namin sa bus. kasi naman e. pero ayun, eventually bumaba na rin kame. this has been a great day. i know marami pang surprises. i've been blessed. and i won't stop counting the good things in my life. (i have to para hindi ko maisip yung mga hindi magagandang bagay. kelangang magpaka-manhid sa sakit. bawal akong ma-stress, remember.)

*****

sabi na may surprise pa e.. while i was here at the net cafe, dumating si kuya toto just to give me a very pleasant surprise. thanks kuya! God will bless you more! ^_^

*****

end of post. God bless people! ^_^