BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Wednesday, October 14, 2009

i am not perfect

*i make mistakes. a lot.

*i mistyped a lot of words already. (binasa ko nga uli yung ilang blog posts ko at natawa na lang ako kasi maraming mali. haha. nakakahiya. but that just proves that really, i am human. :D)

*ilang beses na rin akong na-late ng gising, and consequently, late na rin sa school/work (gaya kanina. tsk. opo "isnabero", aalis na ako ng maaga. :D)

*may memory gap din ako. tsk. signs of aging. haha. kaya nga i have my daily planner and "to-do list" e. not because i am simply organized, but because i have poor memory. hehe.

*i've been fooled, not just once, but twice. tsk. i can hear papa saying, "taga-UP." (you know, that insulting tone. pinaikling version ng, "taga-UP tapos ganyan? anong klaseng taga-UP yan?" of course pabiro lang naman yung pagkakasabi niya. pero ganun na rin yun. oh well. hehe.

*lamigin ako. super. as in right this moment, i am already shivering. kamusta naman kasi ang aircon dito sa office. para kameng nasa freezer. waah. sabi nga ni sir erick, he understands na kailangan ng computers ng cold temperature, but hey, we're humans! hindi po kame computers. maawa kayo, patayin niyo na ang aircon!!!! grrrrr.

*messing with me means messing with a tiger. really, i bite. haha. joke lang. mahaba ang pasensiya ko pero pag napuno ako, punong-puno talaga. if looks could kill, marami na akong na-murder. haha. kalokohan lang 'to. mabait talaga ako. nagkukunwaring mataray lang para di mapagkamalang weak. ang kaso ang tingin naman saken ngayon e super strong. nagbago na raw ako, di na ako gaya ng dati. well, nagbago na talaga ako. marunong na akong lumaban ngayon. :D

*soprano ako. hmm, you might wonder, anong negative dun? well, masyado daw mataas ang boses ko. parang laging galit. oh yeah. yun lang. next item. hehe.

*wala akong kwentang ka-text. :D promise, wala talaga. pasensya na. ilang beses ko na bang natulugan yung kausap ko? haha. sorry. :( sobrang pagod lang talaga. you know, busy. artista e. hehe. seriously, wala talaga kayong maaasahan pag ako katext niyo. kaya nga siguro naholdap ako e. (huh?! connection? :D) nung isang gabi lang kausap ko yung high school buddy ko na sobrang tagal ko ng hindi nakakausap. tapos ayun, natulugan ko siya. at hanggang ngayon hindi ko pa siya uli natext. tsk. sorry ralph. ganito kasi, let me explain. :D ang phone ko ay ginagamit ko lang para sa information dissemination. as in pang-text brigade lang. kasi nga during work, hindi naman ako makatext dahil tambak ang trabaho. after work, sobrang pagod na. before work, tulog din ako sa biyahe. well, except kanina. kaya yun. isa pa, isnabera din kasi ako minsan. hehe. sorry naman.

there, i said it na. hindi ako perfect. BUT, i am blessed. i am wonderfully made. i am God's wonderful artifact. i am a princess. i am a child of God. and most of all, i am loved. :)

so what's this post all about? wala lang. kaninang umaga ko pa naisip yung post na 'to e. ayaw akong tantanan ng thought. hehe.

i miss blogging. i miss this.

i hope to write as frequent as possible. actually, i'm planning to set up another blog. haha. i just can't get enough of them. hehe. basta, may mga major changes kasi sa life ko starting tomorrow e. tomorrow is another year. happy new year to me. :)

i can't wait to make things happen. but why wait anyway? i'll make things happen. now. :D

God bless everyone. :)

be happy. God loves you.

0 comments: