hay. kainis. namatay bigla yung pc. huhu. at syempre matatapos ko na dapat yung blog post ko about my vacation sa iloilo. kainis talaga! wala na, tamad na akong magkwento. hay nako. ang haba pa naman nun. :((
waaaah. kainis talaga. gustong-gusto kong magkwento! hay. cge na nga, magkukwento na ako. uulitin ko na lang. mula umpisa?? noooooooo! basta magtatype lang ako. sana naman wag na uli mamatay yung pc. hay.
ayan, eto ang naging buhay ko sa probinsya:
1. walang signal ang globe kaya smart ang gamit ko. wahay. opo, kung may signal man ang globe, one bar lang, dun pa sa kusina o di kaya sa labas. hahanapin mo pa talaga. at dahil naiinis akong magbasa ng "message sending failed", pinatay ko na lang yung phone ko. kaya sa mga nagtext, pasensya na po. sa airport ko na uli nabuksan yung phone ko.
2. mahirap ang tubig at kuryente. hay. kelangan pa bang imemorize yan? probinsya nga e. at wala kame sa siyudad, wala rin kame sa bayan, nasa baryo talaga kame.
3. naliligo ng naka-patadyong o nakadamit talaga. kasi wala ring banyong paliguan. hehe. ang saya no? natuto tuloy akong gumamit ng patadyong. manang na manang talaga. haha.
ayun lang. hay. kasi naman ang haba na ng natype ko kanina e. natamad na tuloy ako.
pero basta kahit pa nadulas ako sa putikan (kasi laging umuulan dun kaya sobrang maputik), nagdelikado ang buhay sa single (aka habal-habal) nang minsang sumakay kame ng pinsan kong babae papunta sa bayan at barubal magpatakbo si manong, nabasa ng ulan (kaya naman sobrang gininaw ako sa airport, delayed pa yung flight ko), kumain ng uga (tuyo) 3 times a day, iniyakan at pinag-awayan ng mga pinsan (gusto nila lahat tumabi sken), at higit sa lahat, umitim, sobrang nagpapasalamat pa rin ako kasi kahit sa maikling panahon, naexperience ko lahat ng iyon at nakasama ko yung mga pinsan, tita, tito, at lola ko. more than that, happy ako na napasaya ko sila, lalo na si lola on her 84th birthday.
kahapon, sobrang lungkot, ayokong umalis. actually, mixed emotions e. gusto ko ng bumalik dito kasi nga ang hirap ng buhay doon, pero ayoko rin namang iwan yung mga pinsan ko. sabi ko hindi ako iiyak. pero nung umiyak na si lola, wala na, iyak na rin ako. tapos habang nagpapaalam ako sa pinsan ko, ang bigat talaga sa dibdib. hay. pero life goes on ika nga. hindi naman din iyon ang huli naming pagkikita. napagkasunduan kasi na at least once every year, uuwi na kame dun. yung mga pinsan ko nagrerequest na umuwi ako dun sa December at doon magspend ng Christmas at New Year. hay. sana nga.
i went back to manila last night via Zest Air flight Z2 172. delayed ang flight namin kaya naman past 11 na ako nakarating dito sa bahay. at sobrang pagod talaga. ang tagal ko kayang naghintay sa airport ng iloilo. wala pa akong makausap. walang anything. hay. you could just imagine kung gaano kalungkot yung feeling. dadaan pa dapat ako sa CLP kaya lang nga pagsilip ko sa simbahan, wala na akong nakitang tao. so dumiretso na ako. isa pa, mabigat din yung dala ko.
pagdating sa bahay, hilamos agad! wohoo! ang sarap ng totoong tubig! haha. dun kasi tubig-ulan at tubig-poso yung pangligo e.
nagpalit ako ng beddings ng kama, at humiga na. wohoo! ang sarap humiga sa kama ko. na-miss ko talaga yung kwarto ko kaya naman ang sarap ng tulog ko. :D
kaninang umaga, back to service na uli. :) at grabe naman talaga, ang lupit ng comeback ko. pano ba naman, kame lang ni tin ang kumanta sa mass. duet? hehe. ako lang, si tin, at si kuya rhed ang nagserve. ayos! humabol si kuya toto at elmar. salamat sa kanila.
at ang pinakalamalupit nito, may bago na naman akong assignment. pagdating ni mrs. salazar, nung nakita niya ako, sabi niya, "sweetheart, diba ikaw yung tiga-lifehomes? what's your name again? pwede bang ikaw na ang youth coordinator naten? write your name here please." sabay bigay ng notebook na may listahan ng bago atang mini-parish "officers" if i may say so. ayun. yun lang. galing no?! pinabalik talaga ako ni Lord agad kasi may naghihintay na trabaho sken? hehe. oh well, i take everything as a blessing. so blessing ang panibagong service na yun. and i thank God for it. :)
sa totoo lang, hanggang sa ngayon, wala pa akong natetext. maliban kay ate aike at ayhie na naunang nagtext sken. ewan, may jetlag pa ata ako. haha. para namang galing ako sa ibang bansa. hay. naiisip ko mga pinsan ko. at syempre si mama. nandun pa kasi siya. dapat nandun pa rin ako e. kaso nga lang kelangan ko ng bumalik dito. sad. pero happy na rin.
sa mga susunod na araw, mag-isa lang ako dito. sa gabi ko lang makakasama si papa at si arnold na may mga trabaho. at sa mga panahong mag-isa akong kakain, i'll always remember what my cousin lester told me before i left, "manang, pag kakain ka na dun tapos mag-isa ka lang, tawag ka dito ha? para sabay-sabay tayong kakain."
waaaah. naiiyak na ako. hay. i miss them.
i love iloilo. i love cabatuan. i love tuy-an. but MANILA IS MY HOME here on earth. and i'm back home. :) salamat sa mga nag-welcome sa akin: ate diane, kuya toto, tin, kuya rhed, elmar, ate aike, ayhie, ate nheng, shezha. :)
by the way, to end this post, let me share these pictures. :D they were taken on the same spot but on different years. :D
see the difference? :D
yun lang. good evening manila! :) it's good to be home. :)
P.S. Congrats Manny! Ang galing mo! Grabe, 2 rounds lang ang tinagal ni Hatton.
Sunday, May 03, 2009
back home.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment