Hindi naman ako masipag mag-blog diba? Hindi masyado. :D
Gusto ko lang magkwento. Marami na kasi masyado yung thoughts sa mind ko that's why I need to unload.
Since Saturday, parang may mali. Hindi ko lang alam kung ano yun.
Sabi ko kay She, pagod lang siguro talaga ako.
Yesterday, Ate Flory and Elmar were here. Pinag-usapan namin yung mga concerns ng Reg sa nalalapit na pagtatapos ng CLP namin. At kahapon, naintindihan ko yung sinasabi ni Mars na iba talagang kausap ang mga taga-UP. may kwenta. Hindi naman sa pagmamayabang (Pero parang ganun na nga. Haha.), iba talaga ang level of understanding ng mga taga-UP. Haha. Sorry naman. I'm speaking from experience. :D Hindi ko 'to sinasabi dahil sa taga-UP ako. Sinasabi ko 'to kasi sa totoo lang, pag mga taga-UP yung kausap ko, hindi ako nahihirapan. Malawak ang pang-unawa nila. At higit sa lahat, may kwenta silang kausap! I'm not saying na walang kwentang kausap yung iba, pero basta iba ang mga taga-UP. At si Ate Flory, bilang dugong Peyups din gaya ko, ay isa na nga sa mga taong pinagkakatiwalaan kong pagsabihan ng mga damdamin kong hindi ko masabi sa iba kasi alam kong she would understand. At hindi nga ako nagkamali. Actually she was the one who asked me kung may problema raw ba. Natanong din kasi ni Elmar kung bakit ako naiyak that night? Yun nga, I told her my reasons. At ang nakakatuwa dun, pareho lang pala kame ng feeling. And we feel the same way dahil pareho ang level ng pag-iisip namin. We have the same goals, the same standards. Not exactly the same though, pero magka-level. Basta ganun. Kaya nagkakaintindihan kame. At sapat na yun. ^_^
Kanina, Ate Ghen asked me, "how are you bunso?"
Hindi ko rin alam kung bakit, pero ang sagot ko sa kanya, "I would be lying kung sasabihin kong ok lang ako, Ate." Without further questions, she hugged me and said, "It's ok, bunso." It was very comforting. At na-appreciate ko yun. Maraming maraming salamat Ate Ghen. ^_^
Bago matapos ang araw ko, I mean bago ako matulog, (tapos na pala kasi ang araw. It's past 12 already, meaning, May 26 na ngayon.), gusto ko lang i-share yung mga bagay at taong tinuturing kong blessings sa nakalipas na araw.
1. Kids (Children's Choir) - sila yung mga bago kong "anak" na sobrang kukulit pero masaya kasama. kahapon lang naglaro pa kame. hehe. sumali talaga ako sa kanila. tapos nung dumating si elmar, sabi ni pogi sa kanya, "kuya, mamaya na lang, dun ka muna, naglalaro pa kasi kame e." haha. hay. i so love them. ang sarap lumabas ng bahay na sila yung sasalubong sa'yo. tapos habang naglalakad ka sa kalye, biglang may sisigaw nang malakas, "ATE AIZA!!" isn't that sweet? thank God for those kids. ^_^
2. Samantha - etong batang 'to, part na talaga ng family namin. at kanina sobrang natuwa ako kasi she was sooooooo sweet and thoughtful. paalis na kasi sila ni tita. actually, nakaalis na sila. pero bumalik pa talaga siya kasi hindi pa siya nakaka-hug at kiss sken. such an angel. hay. ayun. pagpasok niya ng bahay, lapit agad saken sabay hug. tapos umuwi na. hay. ang sweet sweet diba? sana hanggang sa paglaki ni sam, ako pa rin yung favorite ate niya. :)
at syempre, ang pamilya ko na kasabay kong kumain at nanood ng One Little of Tears. :D
ayun lang muna. na-realize ko lang, antok na pala ako. hehe. :D
good night and good morning Philippines! ^_^
Monday, May 25, 2009
gusto ko lang magkwento
Posted by Aiza Garnica Santos at 11:46 PM
Tags: best things, blessings, little joys
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment