BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »
Showing posts with label kwento. Show all posts
Showing posts with label kwento. Show all posts

Thursday, June 04, 2009

nothing important

nasanay lang ako na after manood ng One Liter of Tears e mag-oonline at magbblog bago matulog. :D

hmm. ano bang sasabihin ko ngayon? wala naman. magkukwento na lang muna ako.

once upon a time, in a land so far away, there lived a beautiful princess...

wahaha! nagkwento talaga??? at mukhang fairy tale pa ang balak ikwento. hehe. :D

seryoso na. ^_^

halos buong araw na umulan. at hanggang sa ngayon e umuulan pa with matching kulog at kidlat na super hate ko. kaya naman gusto ko ng tapusin ito, pumasok na sa kwarto at matulog. hehe. takot lang talaga ako sa kidlat. at lahat ng malapit sken, alam yun. (kasi may secret ako, secret lang ha? ganito kasi yun, nung buntis si mama saken, muntik na siyang tamaan ng kidlat, AS IN! kaya yun, takot ako sa kidlat. hehe. may konek ba yun? ewan. basta ganun. :D)

anyway, nagugustuhan ko na ang Book ni Tobit sa Old Testament. dun kasi uli galing yung 1st reading for today. nakakatuwa kasi tungkol naman yun kay Sara (from yesterday's reading) at sa anak ni Tobit na si Tobias. remember may curse si Sara? anyone she marries dies on the eve of the wedding. hanggang sa eto na nga, dumating si Tobias. umm, i suggest basahin niyo na lang yung kwento na nila. cool, promise! hindi boring. tinapos ko nga hanggang dulo ng chapter 10 e. kahit hindi na yun kasama sa reading for today. hehe. nakaka-inspire din kasi si Tobias talaga yung nakalaan para kay Sara. so sa mga single pa diyan, gaya ko, don't despair, God is still preparing the best for us kaya wait lang tayo (patiently and prayerfully). ^_^ onga pala, speaking of waiting, nakakatawa yung result ng quiz sa Facebook. haha. akalain niyong December 31, 2010 daw ang wedding date ko?! harhar. how would that be possible e wala pa nga akong boyfriend?! haller?! kaya sa groom-to-be ko, paramdam ka na, dali! malelate na tayo sa kasal naten! haha. :))

ay onga pala, eto na yung chapters. pasensya naman, muntik ko ng makalimutan. pasaway na facebook kasi yan. haha. sinisi pa ang facebook. pero promise, nakakatuwang sumagot ng quizzes dun. :D

Tobit 6:10-11, 7:1.9-17; 8:4-9.

ayun. tapos, ano pa bang nangyari? hmm. after lunch, kahit medyo maulan pa rin at medyo feeling ko tinatrangkaso na ako (minus lagnat), humayo (naks! ang lalim, humayo talaga. hehe.) ako at tumungo sa munisipyo ng Cainta. kukuha dapat ako ng Certified True Copy ng Birth Certificate ko kasi hindi tinanggap yung Authenticated Birth Certificate ko sa DFA (malabo raw kasi yung surname. fine.). sa mga hindi nakakaalam, sa Cainta talaga ako pinanganak. dun kasi kame dati. sa St. Francis. pagdating ko sa Registrar, nalungkot naman ako sa sinabi ni Ate. "Naku, 1986 ka, wala na kameng record niyan e. Kasama sa mga nasunog. 1985, 1986, 1987." waaaaaaaaaaaaah! ang saklap naman! alam kong nagkaroon ng sunog dati sa munisipyo pero ni sa hinagap e hindi ko man lang naisip na kasama sa mga nasunog yung Birth Certificate ko. kamusta naman yun? bakit naman birth year ko pa??!! :(( pero syempre, wala na akong magagawa pa. hay. so kelangan kong pumunta sa NSO. goodluck! hindi ba't napakaraming tao lagi dun?! at nag-uuulan pa. goodluck talaga! oh well, that's life. :D

ano ang mga nagpasaya sa araw ko? mga tao, mga bagay, kung ano-ano lang. hehe. mababaw lang naman kaligayahan ko e.

salamat pala kay ate ghen. grabe, kinarir namin ang pagdadaldalan sa telepono kanina. haha.

ayan. yan lang. walang kwenta no? hehe. e kasi naman pag dumaldal pa ako ng dumaldal, malamang hindi na ako matapos. hehe.

onga pala, nasa Pilipinas na si Mancao. tapos 29 na ang confirmed cases ng influenza A(H1N1), 2 dun ay exchange students sa DLSU. tapos may tumamang buhawi sa Barangay UP Campus, along C. P. Garcia. at ayon sa PAGASA, katumbas daw yun ng hangin ng signal # 4 na bagyo. tapos, break na ng Senado. magbabakasyon daw muna ang mga senador. tapos yung Air France plane na bumagsak, no signs of life pa rin daw pero hopeful pa rin yung families ng mga pasahero, lalo na ng nag-iisang pinoy dun. sabi ng pamilya niya, bilang isang seaman, tiwala raw sila na alam niya kung anong dapat gawin sa mga ganung trahedya. ako rin may tiwala sa kakayahan ng pinoy. survivors ata tayo! at higit sa lahat, naniniwala ako sa power ng prayer. kaya sa lahat ng mga balitang ito, at sa lahat ng mga nangyayari sa paligid naten, ang pinakamabisang pantapat ay ang panalangin. God is alive and He hears us and He knows best. ^_^

ang lamig. sarap matulog. pero pray muna.

good night Philippines! ^_^

Sunday, May 03, 2009

back home.

hay. kainis. namatay bigla yung pc. huhu. at syempre matatapos ko na dapat yung blog post ko about my vacation sa iloilo. kainis talaga! wala na, tamad na akong magkwento. hay nako. ang haba pa naman nun. :((

waaaah. kainis talaga. gustong-gusto kong magkwento! hay. cge na nga, magkukwento na ako. uulitin ko na lang. mula umpisa?? noooooooo! basta magtatype lang ako. sana naman wag na uli mamatay yung pc. hay.

ayan, eto ang naging buhay ko sa probinsya:

1. walang signal ang globe kaya smart ang gamit ko. wahay. opo, kung may signal man ang globe, one bar lang, dun pa sa kusina o di kaya sa labas. hahanapin mo pa talaga. at dahil naiinis akong magbasa ng "message sending failed", pinatay ko na lang yung phone ko. kaya sa mga nagtext, pasensya na po. sa airport ko na uli nabuksan yung phone ko.

2. mahirap ang tubig at kuryente. hay. kelangan pa bang imemorize yan? probinsya nga e. at wala kame sa siyudad, wala rin kame sa bayan, nasa baryo talaga kame.

3. naliligo ng naka-patadyong o nakadamit talaga. kasi wala ring banyong paliguan. hehe. ang saya no? natuto tuloy akong gumamit ng patadyong. manang na manang talaga. haha.

ayun lang. hay. kasi naman ang haba na ng natype ko kanina e. natamad na tuloy ako.

pero basta kahit pa nadulas ako sa putikan (kasi laging umuulan dun kaya sobrang maputik), nagdelikado ang buhay sa single (aka habal-habal) nang minsang sumakay kame ng pinsan kong babae papunta sa bayan at barubal magpatakbo si manong, nabasa ng ulan (kaya naman sobrang gininaw ako sa airport, delayed pa yung flight ko), kumain ng uga (tuyo) 3 times a day, iniyakan at pinag-awayan ng mga pinsan (gusto nila lahat tumabi sken), at higit sa lahat, umitim, sobrang nagpapasalamat pa rin ako kasi kahit sa maikling panahon, naexperience ko lahat ng iyon at nakasama ko yung mga pinsan, tita, tito, at lola ko. more than that, happy ako na napasaya ko sila, lalo na si lola on her 84th birthday.

kahapon, sobrang lungkot, ayokong umalis. actually, mixed emotions e. gusto ko ng bumalik dito kasi nga ang hirap ng buhay doon, pero ayoko rin namang iwan yung mga pinsan ko. sabi ko hindi ako iiyak. pero nung umiyak na si lola, wala na, iyak na rin ako. tapos habang nagpapaalam ako sa pinsan ko, ang bigat talaga sa dibdib. hay. pero life goes on ika nga. hindi naman din iyon ang huli naming pagkikita. napagkasunduan kasi na at least once every year, uuwi na kame dun. yung mga pinsan ko nagrerequest na umuwi ako dun sa December at doon magspend ng Christmas at New Year. hay. sana nga.

i went back to manila last night via Zest Air flight Z2 172. delayed ang flight namin kaya naman past 11 na ako nakarating dito sa bahay. at sobrang pagod talaga. ang tagal ko kayang naghintay sa airport ng iloilo. wala pa akong makausap. walang anything. hay. you could just imagine kung gaano kalungkot yung feeling. dadaan pa dapat ako sa CLP kaya lang nga pagsilip ko sa simbahan, wala na akong nakitang tao. so dumiretso na ako. isa pa, mabigat din yung dala ko.

pagdating sa bahay, hilamos agad! wohoo! ang sarap ng totoong tubig! haha. dun kasi tubig-ulan at tubig-poso yung pangligo e.

nagpalit ako ng beddings ng kama, at humiga na. wohoo! ang sarap humiga sa kama ko. na-miss ko talaga yung kwarto ko kaya naman ang sarap ng tulog ko. :D

kaninang umaga, back to service na uli. :) at grabe naman talaga, ang lupit ng comeback ko. pano ba naman, kame lang ni tin ang kumanta sa mass. duet? hehe. ako lang, si tin, at si kuya rhed ang nagserve. ayos! humabol si kuya toto at elmar. salamat sa kanila.

at ang pinakalamalupit nito, may bago na naman akong assignment. pagdating ni mrs. salazar, nung nakita niya ako, sabi niya, "sweetheart, diba ikaw yung tiga-lifehomes? what's your name again? pwede bang ikaw na ang youth coordinator naten? write your name here please." sabay bigay ng notebook na may listahan ng bago atang mini-parish "officers" if i may say so. ayun. yun lang. galing no?! pinabalik talaga ako ni Lord agad kasi may naghihintay na trabaho sken? hehe. oh well, i take everything as a blessing. so blessing ang panibagong service na yun. and i thank God for it. :)

sa totoo lang, hanggang sa ngayon, wala pa akong natetext. maliban kay ate aike at ayhie na naunang nagtext sken. ewan, may jetlag pa ata ako. haha. para namang galing ako sa ibang bansa. hay. naiisip ko mga pinsan ko. at syempre si mama. nandun pa kasi siya. dapat nandun pa rin ako e. kaso nga lang kelangan ko ng bumalik dito. sad. pero happy na rin.

sa mga susunod na araw, mag-isa lang ako dito. sa gabi ko lang makakasama si papa at si arnold na may mga trabaho. at sa mga panahong mag-isa akong kakain, i'll always remember what my cousin lester told me before i left, "manang, pag kakain ka na dun tapos mag-isa ka lang, tawag ka dito ha? para sabay-sabay tayong kakain."

waaaah. naiiyak na ako. hay. i miss them.

i love iloilo. i love cabatuan. i love tuy-an. but MANILA IS MY HOME here on earth. and i'm back home. :) salamat sa mga nag-welcome sa akin: ate diane, kuya toto, tin, kuya rhed, elmar, ate aike, ayhie, ate nheng, shezha. :)

by the way, to end this post, let me share these pictures. :D they were taken on the same spot but on different years. :D




see the difference? :D

yun lang. good evening manila! :) it's good to be home. :)

P.S. Congrats Manny! Ang galing mo! Grabe, 2 rounds lang ang tinagal ni Hatton.