nasanay lang ako na after manood ng One Liter of Tears e mag-oonline at magbblog bago matulog. :D
hmm. ano bang sasabihin ko ngayon? wala naman. magkukwento na lang muna ako.
once upon a time, in a land so far away, there lived a beautiful princess...
wahaha! nagkwento talaga??? at mukhang fairy tale pa ang balak ikwento. hehe. :D
seryoso na. ^_^
halos buong araw na umulan. at hanggang sa ngayon e umuulan pa with matching kulog at kidlat na super hate ko. kaya naman gusto ko ng tapusin ito, pumasok na sa kwarto at matulog. hehe. takot lang talaga ako sa kidlat. at lahat ng malapit sken, alam yun. (kasi may secret ako, secret lang ha? ganito kasi yun, nung buntis si mama saken, muntik na siyang tamaan ng kidlat, AS IN! kaya yun, takot ako sa kidlat. hehe. may konek ba yun? ewan. basta ganun. :D)
anyway, nagugustuhan ko na ang Book ni Tobit sa Old Testament. dun kasi uli galing yung 1st reading for today. nakakatuwa kasi tungkol naman yun kay Sara (from yesterday's reading) at sa anak ni Tobit na si Tobias. remember may curse si Sara? anyone she marries dies on the eve of the wedding. hanggang sa eto na nga, dumating si Tobias. umm, i suggest basahin niyo na lang yung kwento na nila. cool, promise! hindi boring. tinapos ko nga hanggang dulo ng chapter 10 e. kahit hindi na yun kasama sa reading for today. hehe. nakaka-inspire din kasi si Tobias talaga yung nakalaan para kay Sara. so sa mga single pa diyan, gaya ko, don't despair, God is still preparing the best for us kaya wait lang tayo (patiently and prayerfully). ^_^ onga pala, speaking of waiting, nakakatawa yung result ng quiz sa Facebook. haha. akalain niyong December 31, 2010 daw ang wedding date ko?! harhar. how would that be possible e wala pa nga akong boyfriend?! haller?! kaya sa groom-to-be ko, paramdam ka na, dali! malelate na tayo sa kasal naten! haha. :))
ay onga pala, eto na yung chapters. pasensya naman, muntik ko ng makalimutan. pasaway na facebook kasi yan. haha. sinisi pa ang facebook. pero promise, nakakatuwang sumagot ng quizzes dun. :D
Tobit 6:10-11, 7:1.9-17; 8:4-9.
ayun. tapos, ano pa bang nangyari? hmm. after lunch, kahit medyo maulan pa rin at medyo feeling ko tinatrangkaso na ako (minus lagnat), humayo (naks! ang lalim, humayo talaga. hehe.) ako at tumungo sa munisipyo ng Cainta. kukuha dapat ako ng Certified True Copy ng Birth Certificate ko kasi hindi tinanggap yung Authenticated Birth Certificate ko sa DFA (malabo raw kasi yung surname. fine.). sa mga hindi nakakaalam, sa Cainta talaga ako pinanganak. dun kasi kame dati. sa St. Francis. pagdating ko sa Registrar, nalungkot naman ako sa sinabi ni Ate. "Naku, 1986 ka, wala na kameng record niyan e. Kasama sa mga nasunog. 1985, 1986, 1987." waaaaaaaaaaaaah! ang saklap naman! alam kong nagkaroon ng sunog dati sa munisipyo pero ni sa hinagap e hindi ko man lang naisip na kasama sa mga nasunog yung Birth Certificate ko. kamusta naman yun? bakit naman birth year ko pa??!! :(( pero syempre, wala na akong magagawa pa. hay. so kelangan kong pumunta sa NSO. goodluck! hindi ba't napakaraming tao lagi dun?! at nag-uuulan pa. goodluck talaga! oh well, that's life. :D
ano ang mga nagpasaya sa araw ko? mga tao, mga bagay, kung ano-ano lang. hehe. mababaw lang naman kaligayahan ko e.
salamat pala kay ate ghen. grabe, kinarir namin ang pagdadaldalan sa telepono kanina. haha.
ayan. yan lang. walang kwenta no? hehe. e kasi naman pag dumaldal pa ako ng dumaldal, malamang hindi na ako matapos. hehe.
onga pala, nasa Pilipinas na si Mancao. tapos 29 na ang confirmed cases ng influenza A(H1N1), 2 dun ay exchange students sa DLSU. tapos may tumamang buhawi sa Barangay UP Campus, along C. P. Garcia. at ayon sa PAGASA, katumbas daw yun ng hangin ng signal # 4 na bagyo. tapos, break na ng Senado. magbabakasyon daw muna ang mga senador. tapos yung Air France plane na bumagsak, no signs of life pa rin daw pero hopeful pa rin yung families ng mga pasahero, lalo na ng nag-iisang pinoy dun. sabi ng pamilya niya, bilang isang seaman, tiwala raw sila na alam niya kung anong dapat gawin sa mga ganung trahedya. ako rin may tiwala sa kakayahan ng pinoy. survivors ata tayo! at higit sa lahat, naniniwala ako sa power ng prayer. kaya sa lahat ng mga balitang ito, at sa lahat ng mga nangyayari sa paligid naten, ang pinakamabisang pantapat ay ang panalangin. God is alive and He hears us and He knows best. ^_^
ang lamig. sarap matulog. pero pray muna.
good night Philippines! ^_^
Thursday, June 04, 2009
nothing important
Posted by Aiza Garnica Santos at 10:58 PM
Tags: kwento, one day in my life, thoughts
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment