BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Saturday, July 29, 2006

..maskara..

this is my new composition.. galing sa kaibuturan ng aking puso.. galing sa matinding inspirasyon.. hehe..

Maskara

Sa likod ng bawat walang malay na mukha,
nakakubli ang malawak na karanasan.
Sa likod ng matatamis na ngiti,
nakatago ang isang naghihinagpis na damdamin.
Sa bawat pagpatak ng walang katumbas na luha,
saloobin ay malayang naihahayag.
Sa bawat pagtangis ng sugatang puso,
kaluluwa'y nalilinis, napapalaya nang husto.

Ang bawat segundo ng katahimikan,
katumbas ay malalim at matalinong kaisipan.
Ang bawat minuto ng kaligayahan,
nag-uugat sa pagdaig sa matinding kasawian at kalungkutan.
Ang bawat oras ng paghilom ng pusong nasaktan,
katumbas ay mahalagang aral mula sa nakaraan.
Ang bawat awiting nag-iiwan ng kurot sa puso't isipan,
nagmula sa karanasan at sumasalamin sa katotohanan.

Ito ang tunay na kahulugan ng buhay.
Pag-ibig, pangungulila, kabiguan, at tagumpay
Lahat ay bahagi ng pagiging nilalang sa mundong puno ng kahiwagaan.
Bawat isa'y may tinatagong lihim, may pinagtatakpan.
Hindi makakailang minsan sa ating paglalabay,
kailangang ikubli ang tunay na nararamdaman,
kailangang magsuot ng pananggalang,
kailangang mag-isip at magpahayag sa ibang pamamaraan,
kailangang magtago sa likod ng isang maskara.

11:10 AM 26July2006 Wednesday

0 comments: