BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, September 27, 2007

isang araw..

whew! what a day! mahaba pa ang araw at marami pang pwedeng mangyari.. pero at least i have one reason to be happy.. sa wakas nakasama ko uli sina dan at binoy.. grabe, sobrang na-miss ko yung mga mokong na yun.. hay.. buti na lang sumakto ang mga bakanteng oras namin kaya nakapagkita kame at nagkasabay pa maglunch [kasama si jenny]..

nga pala, nakakawindang ang umaga ko kanina.. i witnessed an accident and mind you, sobrang apektado talaga ako.. nabangga yung isang estudyante na pasahero ng jeep na sinasakyan ko.. pagbaba niya, tumawid siya agad.. hindi na siguro kinaya ng preno ng owner kaya tinamaan siya.. ang lakas ng impact kasi tumama yung ulo ng guy sa semento e.. talagang plakda siya.. at yung owner, napunta sa kabilang lane.. buti na lang walang kasalubong na sasakyan kaya walang ibang nadamay.. dala na rin siguro ng pag-iwas niya yun.. pero worried talaga ako sa estudyante.. buti na lang may mga dumating na kaminero para buhatin siya.. medyo comedy pa nga kasi sabi niya ok lang daw siya.. kaya pa raw niya pumasok.. halller?? hindi na nga siya halos makabangon e.. and that made me realize, pag tga-UP talaga, matapang.. kahit hindi na makalakad, pipiliin pa ring pumasok.. hay.. naalala ko tuloy yung interview ko dati sa enggsoc.. tinanong nila ako kung papasok pa rin daw ako kahit may sakit ako.. sagot ko oo hangga't kaya ko.. yan ang dugong peyups, di sumusuko.. haha.. parang nung isang araw ko lang sinabing suko na ako.. hay..

hanggang sa muli.. marami pa akong gustong idaldal pero masyadong personal e.. basta pasama na lang ako sa prayers niyo.. maraming salamat.. at don't worry, ayos lang ako.. stressed ako, oo pero nakakangiti pa rin.. God loves me and that is enough reason to keep me going..

God bless everyone! =)

0 comments: