matagal ko ng gustong gawin 'to pero ngayon lang talaga ako nakanakaw ng oras. take note, ninakaw ko pa talaga yung oras. hehe.
gusto ko lang magkwento tungkol sa mga nangyari noong nakalipas na ilang araw. warning lang, hindi ko alam kung gano kahaba ang post na ito. basta magkukwento lang ako. kung tamad na kayong basahin, e di stop na. hehe.
game.
feb. 19 - we left manila. 1st time kong makasakay ng plane. wohoo! ang saya. window side pa ako. kaya lang sa sobrang excitement ko, nakalimutan kong ang bubble gum pala ay kinakain sa plane at hindi sa taxi. haha. ayun, ang sakit tuloy ng tenga ko. naubos ko na kasi yung bubble gum na binigay ni zhel sa taxi pa lang. adik no? hehe. oh well, buhay pa naman ako at nakakarinig pa nung dumating kame ng tagbilaran kaya ok lang. i survived. :D
delayed ang flight namin so natural late din kameng dumating sa bohol at hindi na nasunod yung dapat na itinerary namin ng thursday. mag-aso falls at hinagdanan cave lang ang napuntahan namin. kumain sa masarap na ihawan sa tagbilaran at bumalik na sa apartelle. na-discover namin na meron palang swimming pool doon kaya mega lublob kameng sisters. ang sarap ng tubig, very relaxing. kaya naman ang sarap din ng tulog namin nung gabing yun.
feb. 20 - day tour sa bohol. we first went to chocolate hills. pinost ko na 'to sa photo section pero in case di niyo nabasa, share ko uli. :D ayon kay manong tour guide, by the name of kuya undoy, there are 1216 chocolate hills. sakop ang 3 bayan ng carmen, batuan, at sagbayan. sa sagbayan peak, makikita na ang cebu. ang ginawa nilang tourist destination ay ang bayan ng carmen kung saan matatagpuan ang highest hill (at yun na mismo yung tourist spot. dun nagpapa-picture, nandun yung wishing bell, etc.) why was it called chocolate hills? ang sabi kasi ni ate che, at tama rin naman, naisip lang daw niya, kung brown yung hills na yun, ibig sabihin walang mga puno. eto ang explanation ni kuya undoy: may hills daw na tinutubuan ng mga puno, at ang mga yun ay matatagpuan sa mga bayan ng batuan at sagbayan. sa bayan ng carmen, damo lang daw ang tumutubo sa mga burol dun kaya naman tuwing summer, tuyot sila at nagiging brown. makes sense diba? :D ayun.
next destination, man-made forest. i was amazed by the story behind its creation. nung 1970's daw, nagkaroon ng malawakang tree planting. i forgot kung ilang hectares yung tinaniman basta malaking area. the participants planted mahogany trees (na napakamahal pag binenta) and since then, hinayaan lang nila na lumago ang mga puno. kaya siya tinawag na "man-made forest". gawa lang talaga siya ng mga tao. ang galing no? i also learned from kuya undoy na bawal ang logging sa bohol. no wonder, never ko pang nabalitaan na nagkaroon ng landslide sa lugar na yun. kaya naman pala, marunong kasi sila mag-alaga ng kayamanang pinagkatiwala sa kanila. *a round of applause and a salute to the boholanos!*
isa pang trivia: alam niyo ba na ang limestone ay ginagawa lang nilang panambak? astig no. sabi nga ni kuya undoy pwede raw kame kumuha ng mga bato para dalhin pabalik e. kaso goodluck naman sa excess baggage. hehe.
sunod naming pinuntahan ang hanging bridge sa loboc, tapos yung tarsier sanctuary. hindi rin pwedeng hindi namin ma-experience ang loboc river cruise. super na-enjoy ko talaga yung panghaharana ni manong at yung sayaw ng natives. naiyak pa ako kasi sobrang overwhelmed ako. basta, ang hirap i-explain. i admire them. they are a great people. at sa totoo lang, kung bibigyan ako ng pagkakataong manirahan dun, hinding-hindi ako magdadalawang-isip. para sa akin, isa siyang munting paraiso. nature at it's best, gaya nga ng sabi ko sa kanya. tapos lahat nagtutulungan. panalo ang tourism nila dun, well-coordinated. may competition syempre pero makikita mo talaga yung tulungan sa bawat isa. astig talaga mga boholano!
last naming pinuntahan ang baclayon church. sobrang konti lang kasi ng time namin dun kaya hindi na namin napuntahan yung iba pang sites. pero ok na rin kasi yung major attractions naman e napuntahan namin. :) going back to baclayon church, isa siya sa oldest churches sa asia and if i remember it right, 1st church ata siya na gawa sa capiz or shells. something like that. i wasn't able to take down notes nung nag-eexplain si kuya undoy pero yun ang tanda ko. hehe.
after the tour, bumalik na kame sa apartelle para kunin ang mga gamit namin. larga naman papuntang pier. we arrived just in time. sumakay kame sa supercat papuntang cebu. at dahil mga pagod, karamihan sa amin tulog during the trip (kaya wala masyadong pictures. hehe.).
cebu na! walang nagsundong van kaya kelangan naming mangontrata. isa lang ang na-realize ko: para rin palang maynila ang cebu, TRAFFIC everywhere! hehe. well, ganun talaga ata pag malapit sa pier e. baka sa ibang parts naman maluwag din yung mga kalsada.
ayun. pagdating pa lang namin, trouble na. basta hindi ko na idedetalye pa yung mga nangyaring hindi maganda at nakakapang-init ng ulo. sa kabuuan naman ay naging maganda at fruitful ang conference. (the conference proper deserves a separate post. at gagawin ko yun after nito. :D)
feb. 21 - 2nd day ng conference at unang sabak namin sa choir. may mga aberya din pero happy naman ako (sana sila rin) sa result. sabi nga ni teacher kumanta lang kame for God, wag na naming isipin pa yung mga tao. promise, ang dami talaga. 7k ba naman e. eto na raw ang largest conference so far. (i'm sure next year mas madami pa yan. kitakits sa davao! :D)
dumating din pala sina billy crawford, iya, kat alano, uma, john pratts, victor basa, tsaka yung isa pang guy. haha. sorry, kapamilya kasi kaya di ko sila kilala. hehe. gk ambassadors sila. ayun. hindi masyadong malinaw yung mga kuha ko kasi malayo na kame sa stage e. pero kung makakasama sila sa bayani challenge sa april, at kung makakasama rin ako, malamang makuhaan ko sila nang malapitan. :D
workshop day din ito. i attended the "light to darkness" workshop kasama sina ate julie, kuya rhed, at kuya don. mas napamahal sa akin ang GK at mas determinado akong maglaan ng oras para makapag-serve through Gawad Kalinga. na-touch ako nang husto dun sa video presentation. at seryosong kinilabutan ako habang kinakanta yung lupang hinirang. i felt the same rush of emotion pag nanonood ako ng UAAP game, lalo na ng cheerdance at sobrang kabado ako for my school. again, mahirap iexplain pero basta ganun yung feeling. super motivating yung talk. mahihiya kang walang gawin para sa bayan natin.
isa pa palang magandang nangyari at sobrang ikinatuwa ko, nagtext sken si dan (classmate ko rin nung grade 3). he thanked me for my prayers. RN na kasi siya. ang galing no?! bago kame umalis ng manila, nalaman namin yung result ng architecture board exam kung saan pumasa sina ate aike at ate dixie. tapos habang nasa conference ako, nalaman ko namang pumasa rin si dan. nakakatuwa lang talaga kapag na-grant yung prayers mo for other people. and so far, lahat ng nagpadasal saken sa board exams, pumasa. kaya maraming manlilibre sken. haha. joke lang. will ni God yun. kaya with or without my prayers, mangyayari talaga yun. :) i'm so happy for the answered prayers. e ako kaya, kelan kaya iga-grant ni God yung prayers ko for myself? bakit pag iba yung pinagdarasal ko naga-grant naman? hehe. nagreklamo. pero minsan talaga nakakasama na ng loob. kasi yung prayers ko para sa iba sinasagot agad, yung para sken, laging delayed e. haha. joke lang po Lord. i know You have plans for me as well. at lahat mangyayari in Your time. i trust You enough. :) at happy na akong makatulong sa iba. kaya people, pag-pray niyo rin ako ha? baka kayo ang kelangan para ma-grant din yung prayers ko. haha. kulit lang. pero seryoso, if you have prayer requests, magsabi lang kayo. i'd be more than willing to pray for you. :)
feb. 22 - last day ng conference. umaaraw, umuulan. pero "the show must go on" sabi nga. after ng lahat ng pagod at puyat, natapos ang conference na may iniwang mahahalagang aral sa bawat isa.
after the conference, kumain ang chapter namin sa CNT lechon, sa tapat lang ng SM. tapos, sumakay na kame ng jeep papuntang Sto. NiƱo Church. from there, naglakad na papuntang Magellan's Cross at Tabuan Market. humiwalay na ako sa grupo. i went back to SM to meet with an old friend (literally old. haha. joke lang.) Nap. classmates kame from grade 3 to grade 6. he's working in yokogawa at nagkataong sa cebu siya naka-assign ngayon. at oo, nakakatawa lang kasi kelangan ko pang pumunta ng cebu para ma-experience ang mocha blends at figaro. haha. alam niyo naman ako, walang kahilig-hilig sa mga mamahaling lugar. hehe. salamat talaga kay nap. ayun, mega pictorial kame sa ayala at sa i.t. park. ang nice pala dun. balak sana naming pumunta sa tops. kaya lang sabi ni nap mahirap daw yung sasakyan pabalik. at nung nagpunta sila dun, inabot na sila ng umaga. kamusta naman diba? so hindi na kame natuloy. next time na lang. hehe.
pagbalik namin sa sacred heart, kung saan kame tumutuloy, nagkaroon pa kame ng raffle (ng promo pack na natanggap namin sa icon). ang galing lang kasi lahat may nakuha. pati kasi yung paper bag ni-raffle namin e. haha. ang saya lang. kahit na maraming naging problema, at the end of the day, tawanan pa rin lahat. :D
feb. 23 - araw ng pagbalik namin sa manila. umulan pa ng malakas. kamusta naman? at naloko pa kame ng taxi driver. kung kelan last day, dun pa kame nabiktima. oh well. oks lang. inisip na lang namin na tulong namin yun sa kanya. anyway, hanggang sa airport marami pa ring bloopers. kaya walang humpay pa rin ang tawanan at asaran at kulitan. ang saya lang talaga. at syempre hindi ko makakalimutan na ang huling bagay na binili ko sa cebu ay ang shirt na may statement na "i left my heart in cebu." bakit? ah basta, secret. haha. ang cute kasi e. parang ako lang. hehe. nakakatawa pa kasi naman kame yung unang sumakay sa plane. pero bumaba pa kame para magpicturan. haha. ayun, kame tuloy yung huling sumakay. at pagsakay namin, sinara na yung pinto ng plane. kame na lang pala talaga ang hinihintay. haha.
ayan. nasa manila na kame. balik na naman sa pagiging busy sa acads, sa work, at sa kung ano-ano pa. hay. pero at least for 5 days, kahit pano na-relax naman kame. ready na uli sa mga hamon ng buhay. naks. hehe.
yan na lang muna. next post, conference proper na. tapos yung susunod, yung mga nangyari naman after the conference. sasamantalahin ko na ang pagkakataon. baka ten years na naman bago ako makadaldal uli e. hehe.
magandang araw sa lahat! :)
Saturday, February 28, 2009
mahabang kwento..
Posted by Aiza Garnica Santos at 6:19 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment