BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, December 25, 2008

27 messages received..

..yan ang kinagisingan ko ngayong umaga..

maraming salamat sa lahat ng nagtext at bumati. sa mga nareplyan at natext ko, you must be really special. hehe. iilan lang talaga yung nasagot ko. pasensiya na po, hayaan niyo akong magpaliwanag. :D

yesterday (24th), morning pa lang busy-busyhan na ako. paggising ko, nandito sina tita ana. at gaya ng nakaugalian, nanood kame ni sam ng Barney. pag-uwi nila, nag-ayos na ako dahil ako ang naatasang mamili. paalis na ako nung dumating si kuya don. pumunta muna kame kina ate cyril para kunin ang mga bote at karton (opo, namamasura na kame ni kuya don. hehe.), at syempre inayos pa namin yun. pagkatapos nun, umalis na ako. as expected, matindi talaga ang trapik. whew! dumaan pa ako kina tito ray para sana ibalik yung book ni francine at ibigay na rin yung gift ko for lei & francine kaya lang wala sila, so tumuloy na ako sa ever. pagkatapos sa grocery, department store naman. ako rin kasi ang bumili ng gifts para sa mga inaanak ni papa. sabi ni tita magtaxi na raw ako. e kamusta naman, ang haba ng pila sa taxi, tapos wala pang taxi, kaya nag-jeep na lang ako. ang galing ko diba? 2 kilos ng pasta, ingredients ng pasta, wine, at mga regalo - lahat yun binitbit ko lang. pero syempre pagdating ko sa kanto, sumakay na ako sa tricycle, masakit na dibdib ko e. hehe. at syempre rin pinagalitan ako ni mama. haha. pasaway kasi. kumain lang ako saglit tapos alis na naman para bumili ng cake. hindi na kasi ako nakabili sa ever kasi nga marami na akong dala. pag-uwi ko galing rosario, nagbalot na ako ng mga regalo. oh yes, ako pa rin yun, kame ni mama. e bakit ba kasi kame lang? nasan ang mga tao? well, sa mga hindi po nakakaalam, 4 lang kame sa pamilya - si mama, si papa, ako, at si arnold. kame lang ni mama ang nandito sa bahay kasi may trabaho yung dalawang lalake. ayun, wala talagang choice. hehe. pero ok lang naman. naaliw naman akong magbalot. na-excite ako para sa mga bata. haha. pagkatapos nun, nag-ayos na ako kasi may practice naman kame sa chapel para sa Christmas presentation at mass. wala talagang pahinga. pagdating ko sa chapel, kanta to the max na. at syempre hanggang mass na yun. puro birit pa naman yung mga kanta. sa communion ba naman, Silent Night at O Holy Night. sakit sa ulo diba? tapos may medley pa ng mga tagalog songs. ayun. concert talaga. haha. after ng mass, umuwi na ako agad. nagbihis, kumain, at natulog. nakapagtext pa ako sa ilang tao. the last person i texted was dan. hindi ko na nahintay pa yung reply niya. nakatulog na talaga ako.

at yun nga.. paggising ko this morning, meron na akong 27 unread messages. at syempre hindi pa rin ako makareply kasi tapos na yung ETXT ko, hindi rin ako naka-unli at higit sa lahat, hindi ako makalabas para magload kasi masakit pa katawan ko. ang hirap bumangon. nagising ako ng 10, tapos natulog uli. hehe. sakit ng legs, likod, dibdib, at ulo ko. sobrang pagod kasi.

ayun. kaya pasensya na po sa mga hindi ko pa narereplyan. after kong ipost ito, rereplyan ko na kayo sa chikka. :D

*****

share ko lang din. this morning, i woke up with tears in my eyes. na-touch kasi ako sa panaginip ko. pumunta raw ako sa isang remote area to do mission work for GK (Gawad Kalinga). tapos may kausap raw kameng isang bata. she was telling us her dreams at naiyak siya kasi naaawa siya sa parents niya at sa sarili rin niya dahil sa kalagayan nila. ayun, naiyak na rin ako. at nagising ako kasi masakit nga dibdib ko. lam niyo naman pag umiiyak tayo diba? tagos talaga sa heart (lalo na ako). kaya yun.

naalala ko lang, i once asked God to speak to me in my dreams. sabi ko sa Kanya, baka pwede Niyang i-reveal saken yung plan Niya. naisip ko lang, baka ito na yun. maraming nagsasabi na baka magmadre raw ako pero hindi ko talaga nararamdaman yun. nung nasa banawe ako for therapy, naisipan ko ng pumasok sa kumbento, pero hindi talaga e. i already had the chance pero hindi ko ginawa kasi hindi ko ramdam na yun ang calling ko. ayokong gawin yun for the wrong reasons. mas nakikita ko yung sarili ko as a missionary. alam kong mas marami akong matutulungan sa ganun. but of course, i'm still praying for it. sabi nga ni ate an, matinding panalangin ang kelangan dun. pag-pray niyo rin ako ha? ^_^

*****

ayan, napahaba na naman ang kwento ko. may pupuntahan pa nga pala ako. hehe.

maligayang pasko sa lahat!

Jesus is the reason for the season. sana hindi naten yun makalimutan. ^_^

0 comments: