2nd Anniversary ng batch namin.. and i'm proud to say that among the batches, kame ata pinakasolid! haha. walang kokontra. sabi nga ni sidh, kame lang yung batch na kapag kumakain, nakapaikot pa talaga. at lahat din kame ay naging member ng music min. at ang pinakamaganda dun, lahat kame, smart. haha.
dahil gumawa ng tribute si sidh sa yahoo groups ng chapter, gagawa rin ako ng sarili kong version. :D
10 kameng grumaduate, pero 4 na lang kameng natira. pero yung apat na yun, bow talaga ako kasi service kung service talaga. at UNBREAKABLE kame. kame yung tipong kahit na sandamakmak na issue pa ang dumating, buo pa rin ang tiwala namin sa isa't isa. walang iwanan talaga. and i really love my batchmates kasi never pa nila akong sinaktan, as in never! si sidh, minsan, pag sinusupladuhan niya ako. haha. pero i swear, iba talaga samahan namin. at dahil mahal ko kayo, eto ang aking tribute...
ATE JULIE FONTANOSA:
isa siyang teacher. yun lang po. haha.
umm, seriously, isa siya sa pinakamabait sa chapter. totoong tao. walang bahid ng kaplastikan sa katawan. pero tama si sidh, mapanglait din minsan. haha. masaya kasama. makulit din. tsaka gusto ko talagang kumanta with her. pareho kasing maganda boses namin. hehe. basta mahal ko 'to si ate julie. as in! di ko nga akalain na GG niya pala si kuya rhed. akalain niyo yun? haha. pero what i like best about her is her simplicity. simple pero elegante. pag nakita niyo siya, mapapahanga na lang kayo. iba talaga aura niya. she's someone na talagang irerespeto mo. huwaran talaga. ^_^
KUYA RHED DIZON:
eto naman ang opposite ni ate julie. at dahil opposites attract, GG niya si ate julie. haha. joke lang. :D
mahal ko rin 'to si kuya rhed. galing maggitara. hanep bumanat. di ka talaga maaasar kahit nang-aasar na siya. gugulong ka lang kakatawa. panalo talaga sense of humor ng taong 'to. pero hindi lang siya basta komedyante. he's a wise person. may kwenta yung mga sinasabi niya. hindi lang basta salita, may laman talaga. hindi yung tipong magsasalita lang para masabing hindi siya pipi. lam niyo yun? meron kasing ganun, talking for the sake of talking, pero nonsense talaga. si kuya rhed, laging patawa, laging cool, pero once na nagsalita na siya, papakinggan mo talaga. and i really respect him. lagi niyang sinasabi na siya na ang papalit kay kuya pip. honestly kuya, matutuwa ako kung mangyayari yun. hihintayin ko yun kuya! hehe.
magda-drama lang ako ng konti. hindi ko alam kung natatandaan mo pa kuya. pero nung last time na pumunta ako sa practice ng music min, sinabi mong na-miss mo ako. hindi na ako sumagot pero ang totoo, miss ko na rin pong kumanta kasama kayo. i may be back anytime soon. hindi ako mangangako pero basta darating na lang siguro ako. ^_^
SIDH URSUA:
naman! ano pa bang sasabihin ko? siya lang naman ang partner ko since day one. as in CLP days pa lang.. hanggang ngayon sa pagiging chapter servants, partners pa rin kame. pero in fairness to us, matino naman yung nagiging result ng mga trabaho namin. hehe. siguro kasi may chemistry talaga kame. pareho kasi kameng scientist. haha. grabe, wala akong masabi sa partner kong 'to. mahal ko talaga 'to. kahit na suplado, reklamador, mapanglait at kung ano2 pa, the best partner pa rin talaga siya. (haha, tamang bawi matapos siraan. hehe.) lagi kameng nag-aaway at nagtatarayan pero ok pa rin naman nagiging output pag kame ngtandem sa isang project/activity/event. pareho kasi kame ng level ng pag-iisip. mga weirdo. hehe. wala na akong masabi. basta panalo yung taong 'to. lalo na pagdating sa pagprovide ng tinapay during gatherings. haha.
seriously, isa siya sa iilang pinagkakatiwalaan ko kasi subok ko na yung pagkatao niya. alam kong he's the kind of friend na hindi ka talaga ilalaglag. subok na yung samahan namin at yung bond namin as friends matibay na talaga. hindi ko lang siya basta ka-batch at kaibigan, kapatid ko pa siya. i'm really so blessed to have him as my partner. at thankful ako na siya partner ko. ^_^
AIZA GARNICA:
haha. kasama talaga ako sa tribute? hmm. ano pa bang masasabi ko tungkol sa sarili ko? umm... i'm perfect. period. haha. yabang. joke lang po. naalala ko lang yung sinabi sken ng isang DATING kaibigan. nagkaroon kame ng confrontation. hindi ko na maalala yung saktong sinabi niya but it was something like this: "one year na ako dito. at nakikita kong parang perfect ka na. pero hindi naman pwede yun diba? kasi wala namang taong perfect? so nag-isip ko kung ano kayang pwedeng ipintas sa'yo." hay. grabe diba? yun yung night na akala ko hindi na ako mabubuhay. nakakalungkot lang kasi sobrang minahal at pinahalagahan mo yung tao tapos ganun yung mangyayari. pero ang mas nakakalungkot ay kung ano na siya ngayon. tsk. oh well, it's her life. choice niya kung anong nangyayari sa kanya. minsan gusto kong isiping failure ako. pero tama rin si mae, malaki na siya at alam na niya kung anong tama at mali. i can only do so much. hindi ko siya pwedeng hawakan sa kamay at diktahan ng mga dapat niyang gawin. i just pray na tama yung pinili niyang samahan at kampihan. sana hindi siya nagkamali sa landas na pinili niyang tahakin.
o nga pala, happy post dapat ito. bakit ba bigla akong nalungkot? hehe. oh well. may mga naalala lang ako. pero yun nga, sa kabila ng lahat ng yun, eto pa rin ako.. masayang maging bahagi ng SFC. ^_^
gaya nga ng title ng post na ito, 2 years na ako sa community.. at malamang nandito pa rin ako until next year.. tapos in 3 years, or so, sa CFC naman. haha. dream on aiza! ^_^
o siya, pahinga na muna ako. naging mahaba ang araw na ito. bukas thesis report na naman.
hello everyone! ^_^
Tuesday, December 09, 2008
2 years and counting..
Posted by Aiza Garnica Santos at 7:52 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment