..yan ang kinagisingan ko ngayong umaga..
maraming salamat sa lahat ng nagtext at bumati. sa mga nareplyan at natext ko, you must be really special. hehe. iilan lang talaga yung nasagot ko. pasensiya na po, hayaan niyo akong magpaliwanag. :D
yesterday (24th), morning pa lang busy-busyhan na ako. paggising ko, nandito sina tita ana. at gaya ng nakaugalian, nanood kame ni sam ng Barney. pag-uwi nila, nag-ayos na ako dahil ako ang naatasang mamili. paalis na ako nung dumating si kuya don. pumunta muna kame kina ate cyril para kunin ang mga bote at karton (opo, namamasura na kame ni kuya don. hehe.), at syempre inayos pa namin yun. pagkatapos nun, umalis na ako. as expected, matindi talaga ang trapik. whew! dumaan pa ako kina tito ray para sana ibalik yung book ni francine at ibigay na rin yung gift ko for lei & francine kaya lang wala sila, so tumuloy na ako sa ever. pagkatapos sa grocery, department store naman. ako rin kasi ang bumili ng gifts para sa mga inaanak ni papa. sabi ni tita magtaxi na raw ako. e kamusta naman, ang haba ng pila sa taxi, tapos wala pang taxi, kaya nag-jeep na lang ako. ang galing ko diba? 2 kilos ng pasta, ingredients ng pasta, wine, at mga regalo - lahat yun binitbit ko lang. pero syempre pagdating ko sa kanto, sumakay na ako sa tricycle, masakit na dibdib ko e. hehe. at syempre rin pinagalitan ako ni mama. haha. pasaway kasi. kumain lang ako saglit tapos alis na naman para bumili ng cake. hindi na kasi ako nakabili sa ever kasi nga marami na akong dala. pag-uwi ko galing rosario, nagbalot na ako ng mga regalo. oh yes, ako pa rin yun, kame ni mama. e bakit ba kasi kame lang? nasan ang mga tao? well, sa mga hindi po nakakaalam, 4 lang kame sa pamilya - si mama, si papa, ako, at si arnold. kame lang ni mama ang nandito sa bahay kasi may trabaho yung dalawang lalake. ayun, wala talagang choice. hehe. pero ok lang naman. naaliw naman akong magbalot. na-excite ako para sa mga bata. haha. pagkatapos nun, nag-ayos na ako kasi may practice naman kame sa chapel para sa Christmas presentation at mass. wala talagang pahinga. pagdating ko sa chapel, kanta to the max na. at syempre hanggang mass na yun. puro birit pa naman yung mga kanta. sa communion ba naman, Silent Night at O Holy Night. sakit sa ulo diba? tapos may medley pa ng mga tagalog songs. ayun. concert talaga. haha. after ng mass, umuwi na ako agad. nagbihis, kumain, at natulog. nakapagtext pa ako sa ilang tao. the last person i texted was dan. hindi ko na nahintay pa yung reply niya. nakatulog na talaga ako.
at yun nga.. paggising ko this morning, meron na akong 27 unread messages. at syempre hindi pa rin ako makareply kasi tapos na yung ETXT ko, hindi rin ako naka-unli at higit sa lahat, hindi ako makalabas para magload kasi masakit pa katawan ko. ang hirap bumangon. nagising ako ng 10, tapos natulog uli. hehe. sakit ng legs, likod, dibdib, at ulo ko. sobrang pagod kasi.
ayun. kaya pasensya na po sa mga hindi ko pa narereplyan. after kong ipost ito, rereplyan ko na kayo sa chikka. :D
*****
share ko lang din. this morning, i woke up with tears in my eyes. na-touch kasi ako sa panaginip ko. pumunta raw ako sa isang remote area to do mission work for GK (Gawad Kalinga). tapos may kausap raw kameng isang bata. she was telling us her dreams at naiyak siya kasi naaawa siya sa parents niya at sa sarili rin niya dahil sa kalagayan nila. ayun, naiyak na rin ako. at nagising ako kasi masakit nga dibdib ko. lam niyo naman pag umiiyak tayo diba? tagos talaga sa heart (lalo na ako). kaya yun.
naalala ko lang, i once asked God to speak to me in my dreams. sabi ko sa Kanya, baka pwede Niyang i-reveal saken yung plan Niya. naisip ko lang, baka ito na yun. maraming nagsasabi na baka magmadre raw ako pero hindi ko talaga nararamdaman yun. nung nasa banawe ako for therapy, naisipan ko ng pumasok sa kumbento, pero hindi talaga e. i already had the chance pero hindi ko ginawa kasi hindi ko ramdam na yun ang calling ko. ayokong gawin yun for the wrong reasons. mas nakikita ko yung sarili ko as a missionary. alam kong mas marami akong matutulungan sa ganun. but of course, i'm still praying for it. sabi nga ni ate an, matinding panalangin ang kelangan dun. pag-pray niyo rin ako ha? ^_^
*****
ayan, napahaba na naman ang kwento ko. may pupuntahan pa nga pala ako. hehe.
maligayang pasko sa lahat!
Jesus is the reason for the season. sana hindi naten yun makalimutan. ^_^
Thursday, December 25, 2008
27 messages received..
Posted by Aiza Garnica Santos at 6:54 AM 0 comments
Tuesday, December 09, 2008
2 years and counting..
2nd Anniversary ng batch namin.. and i'm proud to say that among the batches, kame ata pinakasolid! haha. walang kokontra. sabi nga ni sidh, kame lang yung batch na kapag kumakain, nakapaikot pa talaga. at lahat din kame ay naging member ng music min. at ang pinakamaganda dun, lahat kame, smart. haha.
dahil gumawa ng tribute si sidh sa yahoo groups ng chapter, gagawa rin ako ng sarili kong version. :D
10 kameng grumaduate, pero 4 na lang kameng natira. pero yung apat na yun, bow talaga ako kasi service kung service talaga. at UNBREAKABLE kame. kame yung tipong kahit na sandamakmak na issue pa ang dumating, buo pa rin ang tiwala namin sa isa't isa. walang iwanan talaga. and i really love my batchmates kasi never pa nila akong sinaktan, as in never! si sidh, minsan, pag sinusupladuhan niya ako. haha. pero i swear, iba talaga samahan namin. at dahil mahal ko kayo, eto ang aking tribute...
ATE JULIE FONTANOSA:
isa siyang teacher. yun lang po. haha.
umm, seriously, isa siya sa pinakamabait sa chapter. totoong tao. walang bahid ng kaplastikan sa katawan. pero tama si sidh, mapanglait din minsan. haha. masaya kasama. makulit din. tsaka gusto ko talagang kumanta with her. pareho kasing maganda boses namin. hehe. basta mahal ko 'to si ate julie. as in! di ko nga akalain na GG niya pala si kuya rhed. akalain niyo yun? haha. pero what i like best about her is her simplicity. simple pero elegante. pag nakita niyo siya, mapapahanga na lang kayo. iba talaga aura niya. she's someone na talagang irerespeto mo. huwaran talaga. ^_^
KUYA RHED DIZON:
eto naman ang opposite ni ate julie. at dahil opposites attract, GG niya si ate julie. haha. joke lang. :D
mahal ko rin 'to si kuya rhed. galing maggitara. hanep bumanat. di ka talaga maaasar kahit nang-aasar na siya. gugulong ka lang kakatawa. panalo talaga sense of humor ng taong 'to. pero hindi lang siya basta komedyante. he's a wise person. may kwenta yung mga sinasabi niya. hindi lang basta salita, may laman talaga. hindi yung tipong magsasalita lang para masabing hindi siya pipi. lam niyo yun? meron kasing ganun, talking for the sake of talking, pero nonsense talaga. si kuya rhed, laging patawa, laging cool, pero once na nagsalita na siya, papakinggan mo talaga. and i really respect him. lagi niyang sinasabi na siya na ang papalit kay kuya pip. honestly kuya, matutuwa ako kung mangyayari yun. hihintayin ko yun kuya! hehe.
magda-drama lang ako ng konti. hindi ko alam kung natatandaan mo pa kuya. pero nung last time na pumunta ako sa practice ng music min, sinabi mong na-miss mo ako. hindi na ako sumagot pero ang totoo, miss ko na rin pong kumanta kasama kayo. i may be back anytime soon. hindi ako mangangako pero basta darating na lang siguro ako. ^_^
SIDH URSUA:
naman! ano pa bang sasabihin ko? siya lang naman ang partner ko since day one. as in CLP days pa lang.. hanggang ngayon sa pagiging chapter servants, partners pa rin kame. pero in fairness to us, matino naman yung nagiging result ng mga trabaho namin. hehe. siguro kasi may chemistry talaga kame. pareho kasi kameng scientist. haha. grabe, wala akong masabi sa partner kong 'to. mahal ko talaga 'to. kahit na suplado, reklamador, mapanglait at kung ano2 pa, the best partner pa rin talaga siya. (haha, tamang bawi matapos siraan. hehe.) lagi kameng nag-aaway at nagtatarayan pero ok pa rin naman nagiging output pag kame ngtandem sa isang project/activity/event. pareho kasi kame ng level ng pag-iisip. mga weirdo. hehe. wala na akong masabi. basta panalo yung taong 'to. lalo na pagdating sa pagprovide ng tinapay during gatherings. haha.
seriously, isa siya sa iilang pinagkakatiwalaan ko kasi subok ko na yung pagkatao niya. alam kong he's the kind of friend na hindi ka talaga ilalaglag. subok na yung samahan namin at yung bond namin as friends matibay na talaga. hindi ko lang siya basta ka-batch at kaibigan, kapatid ko pa siya. i'm really so blessed to have him as my partner. at thankful ako na siya partner ko. ^_^
AIZA GARNICA:
haha. kasama talaga ako sa tribute? hmm. ano pa bang masasabi ko tungkol sa sarili ko? umm... i'm perfect. period. haha. yabang. joke lang po. naalala ko lang yung sinabi sken ng isang DATING kaibigan. nagkaroon kame ng confrontation. hindi ko na maalala yung saktong sinabi niya but it was something like this: "one year na ako dito. at nakikita kong parang perfect ka na. pero hindi naman pwede yun diba? kasi wala namang taong perfect? so nag-isip ko kung ano kayang pwedeng ipintas sa'yo." hay. grabe diba? yun yung night na akala ko hindi na ako mabubuhay. nakakalungkot lang kasi sobrang minahal at pinahalagahan mo yung tao tapos ganun yung mangyayari. pero ang mas nakakalungkot ay kung ano na siya ngayon. tsk. oh well, it's her life. choice niya kung anong nangyayari sa kanya. minsan gusto kong isiping failure ako. pero tama rin si mae, malaki na siya at alam na niya kung anong tama at mali. i can only do so much. hindi ko siya pwedeng hawakan sa kamay at diktahan ng mga dapat niyang gawin. i just pray na tama yung pinili niyang samahan at kampihan. sana hindi siya nagkamali sa landas na pinili niyang tahakin.
o nga pala, happy post dapat ito. bakit ba bigla akong nalungkot? hehe. oh well. may mga naalala lang ako. pero yun nga, sa kabila ng lahat ng yun, eto pa rin ako.. masayang maging bahagi ng SFC. ^_^
gaya nga ng title ng post na ito, 2 years na ako sa community.. at malamang nandito pa rin ako until next year.. tapos in 3 years, or so, sa CFC naman. haha. dream on aiza! ^_^
o siya, pahinga na muna ako. naging mahaba ang araw na ito. bukas thesis report na naman.
hello everyone! ^_^
Posted by Aiza Garnica Santos at 7:52 PM 0 comments
Thursday, December 04, 2008
from Chynna's blog..
"When an emotional injury takes place,
The body begins a process
As natural as the healing
Of a physical wound
Let the process happen.
Trust that nature
Will do the healing.
Know that the pain will pass,
And, when it passes
You will be stronger;
Happier, more sensitive and aware."
Read full entry here: Chynna's Blog ^_^
*For my girlfriends.. especially LEYN.
Posted by Aiza Garnica Santos at 7:34 AM 0 comments
Wednesday, December 03, 2008
beep beep..
oops.. tagal din pala akong di nakapag-online. na-miss ko ang friendster at multiply. but i'm back! hindi nga lang for good. alam niyo na, artista ako, daming shooting, pictorial, mall shows.. haha. joke lang. :))
ang totoo, super mega over busy talaga ako. AS IN! para may idea kayo kung anong pinaggagagawa ko sa buhay, eto ang listahan.. (pakialam niyo naman no? hehe. wala lang. bakit ba, gusto kong magkwento e. =p hay. na-miss ko yung ganito.. tamang type lang ng kung anong maisip ko.. nung mga nakaraang araw kasi duguan talaga ako e.. oh well.. game na, dadaldal na ako. hehe.)
maliban sa pagiging tao, isa na rin akong bampira ngayon. oh yeah! twilight fever. vampire mania. hehe. bampira kasi hindi na ako natutulog. hala. kamusta naman yun? malamang itatanong niyo, "may laman ka pa ba unai/aiza?" haha. yes friends, may laman pa naman ako.. buto nga lang.. haha. joke uli.. don't worry about me, buhay ako at as usual, ayos naman ako. :D
kabilang sa mga pinagkakaabalahan ko ay...
1. acads/thesis: improved heuristic on finding the minimal support set. yeba! np-complete problem po ang sinosolve ko. at dahil dun, duguan talaga ako. lalo na during report days. wala talagang tulugan. salamat na lang kay sir henri at ate jas na matiyagang nagtuturo saken. grabe, ilang beses ko pa kelangang basahin ang isang paper bago ko ito maintindihan. highly-mathematical kasi. pero masaya naman ako sa ACLab (Algorithms & Complexity Lab), at dahil masaya ako, sulit ang puyat at pagod. :)
2. service: full-time servant ako ng chapter, at minsan, ng sector na rin. basta kung san ako kelangan, go lang.. hangga't kaya ko pa.. :)
3. tutorial: ang part-time job na talaga namang kinakarir ko. pakiramdam ko talaga may calling ako sa pagtuturo.. hindi ng large class ha? di ko kaya yun. hehe. super love ko ang mga alaga kong sina francine, jeff, at josh. kahit na super kulit nila, lalo na nung dalawang boys, happy pa rin. masayang matuto kasama nila. :)
4. lovelife: yeba! haha. misleading ito. hindi po lovelife as in boy-girl relationship ha? lovelife as in LOVE life. :D sa ngayon kasi i see to it na naiingatan ko lahat ng relationship na meron ako (God, family, friends, edward --> haha. alam kong marami akong kaagaw pero basta boyfriend ko si edward cullen. hehe.) ^_^ last monday lang, sobrang saya kasi i was able to bond with my highschool girlfriends, ruth and mary anne, aka westlife sisters! pizza, pasta, and salad galore kame sa CPK trinoma. salamat nga pala kay sir randy na siyang nagbayad ng pizza at pasta namin. hehe. tapos ngayon lang, may bago na naman akong girlfriend. matagal ko na siyang friend actually pero ngayon lang kame naging girlfriends. hehe. i love you girlfriend! :)
nagkita rin kame ni alpha kanina at syempre tamang chikahan. at eto pa, may nagtext sken this morning. sun siya. kung pwede raw akong maging textmate at kung may boyfriend na raw ba ako. haha. ang corny no?! so syempre deadma ako. haha. actually nagreply ako, tinarayan ko lang siya at sinabing may boyfriend na ako! meron naman talaga. si edward cullen. haha. wala lang. ewan ba, wala talaga akong panahon sa ganyan ngayon e. masaya ako. period. sabi ko nga, postponed til further notice ang lovelife ko. haha.
ayun. ayun lang pala. acads. work. service. relationships. yan ang mga yaman ko sa buhay. :)
kamusta naman ako? well, i'm good! i'm great, actually! tired, yes.. but i'm definitely happy! ^_^
P.S. ang bilis ng panahon.. december na naman. tapos new year na uli! whew! cebu, malapit na tayong magtagpo! hehe. onga pala, dahil pasko na, syempre may wishlist ako. hehe. next post na lang siguro o di kaya sa homepage ko. hehe. sa mga may balak magregalo, pakitingin na lang sa wishlist ko. haha.
ang saya ko no?! stress-reliever ko talaga 'to e. hehe.
God bless everyone! i hope you're all well. ^_^
Posted by Aiza Garnica Santos at 5:51 PM 0 comments