wow, tagal ko na rin palang hindi nagsusulat. hehe. busy-busyhan kasi. like what i've been telling my friends, hindi ko na rin alam minsan kung pano i-handle lahat ng responsibilities ko sa school, sa bahay, sa service, sa sarili ko, kay God. pero go lang. sabi nga ni jenny, yun daw ang isa sa mga gusto niya sken, "go lang."
hindi ko rin alam kung pano ko natatapos lahat pero i always keep in mind the quote i read from a keychain (na nakasabit sa bag ng katabi ko sa jeep): "we accomplish the most when we do everything for God." yun din yung example na iniwan ni St. Josemaria Escriva: sanctification of daily work.
anyway, kwento lang about my day. it's not over yet and i know there'll be more surprises. pero ngayon lang kasi ako may extra time so i might as well use it "wisely." (i am saying that blogging is a wise choice. hehe.)
past 9pm na ako nakarating sa bahay kagabi. 6-730pm lang talaga yung schedule ng exam pero inabot na naman kame ng 830 ata. pero lumabas naman ako sa engg theater na magaan ang loob. ^_^
pag-uwi ko sa bahay, kain lang tapos review na kame ng brother ko. may exam kasi siya ngayon at syempre bilang ate, responsibility ko na turuan siya.
after mag-aral, tulog na. pero dahil medyo puyat ako lately, nahirapan din akong gumising kanina. plus the fact na masarap matulog kasi malamig. hehe.
medyo late na ako nakaalis sa bahay. pero ang galing lang kasi hindi ako na-late. medyo windang nga ako kasi tumirik kame sa gitna ng katipunan. kamusta naman diba? naubusan ata ng gas yung jeep. buti na lang may dumating agad na jeep kaya nakalipat kame. wala na akong barya pamasahe sa toki kaya naglakad na lang ako. nawala sa isip ko na Tuesday nga pala ngayon at free ride nga pala. pero ok lang kasi pagpunta ko naman dito sa SC, na-avail ko naman yung free ride. at pagbalik ko sa CS mamaya, maghihintay uli ako ng free ride. hehe.
wala lang. wala naman masyadong nangyari pero magaan lang talaga yung pakiramdam ko. isa ito sa mga araw na ang saya at ang peaceful ng mood ko. kahit na marami akong inaalala (money matters, acads), smile pa rin. ^_^
God is good all the time. He rules my day. He rules my life. =)
Tuesday, July 15, 2008
isang magandang umaga...
Posted by Aiza Garnica Santos at 5:55 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment