BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Thursday, May 03, 2007

lies vs. secrets (the title doesn't say much about the content)

kasalanan ang magsinungaling di ba?

kasalanan din ba ang paglilihim?

hindi naman pagsisinungaling yun kasi wala ka namang sinabi e..

pero pa'no kung nagtanong? tapos hindi mo sinabi yung totoo?

kasalanan na yun di ba? kasi somehow, nagsinungaling ka na rin..

and that's what i don't want to happen.. as much as possible, gagawin ko kung anong tama at kung anong dapat..

in other words, sinabi ko kung anong totoo..

and what did i get from not hiding the truth?

eto.. almost grounded na rin..

ayoko pa naman sa lahat yung maraming sinasabi.. and alam nila yun..

pero yung nangyari kagabi.. iba.. God knows kung ga'no kasama ang loob ko..

at sa inis ko nga, parang nasagot ko na rin siya e.. hindi naman kami nagsigawan, pero pakiramdam ko, kung ako yung nasa kalagayan niya, masasaktan ako sa mga sinabi ko..

pero hindi ko pa magawang mag-sorry.. kasi masama pa rin ang loob ko e..

i talked to God.. nagkulong kasi ako sa kwarto para mailabas yung hindi magandang nararamdaman ko..

hindi mawala sa isip ko yung isang bahagi ng pag-uusap namin...

"tingnan mo nga yang katawan mo.."

"nakikita ko, hindi ako bulag.."

"ano bang mangyayari kung hindi ka pupunta dun?

sinong kasama po pauwi? sino naman yun?

'yan ang hirap pag sobrang tiwala e

may pasok ka pa bukas.. anong oras na matatapos yun?"

"..sabihin mo na lang kung ayaw mo akong papuntahin.."

gusto ko siyang intindihin.. gusto lang niya akong protektahan..

pero hindi ko pa rin maunawaan e.. basta ang alam ko, gusto ko yung ginagawa ko.. wala na sken yung nangyari before.. besides, hindi naman ako sumali sa community para lang sa kanila (i'm talking about the members).. sumali ako kasi gusto ko.. more than anything else, si God ang primary reason ng pagsali ko..wala akong pakialam kung anong ginagawa ng mga kasama ko.. hindi rin mahalaga sa akin kung minsan nagkakaroon ng mga hindi magandang pangyayari..

masama ba ako?

hanggang ngayon hindi ko pa kayang mag-sorry..

mamaya siguro.. bahala na..

ngayon tuloy parang nag-iisip na akong maglihim na lang kung sakali mang may hindi na naman magandang nangyari.. hay..

buti na lang nakausap ko siya kagabi.. hindi ko man nasabi sa kanya yung nangyari, alam kong naramdaman niyang may pinoproblema ako.. siya nga ata yung sumalo ng pagka-badtrip ko e.. pero na-realize ko naman yun kaya bumawi ako agad.. unfair naman kung sa kanya ako magagalit.. wala naman siyang alam..

if not for him, my day would have ended badly.. super bad mood talaga.. pero today's a new day.. medyo sad pa rin ang mood ko kasi hindi pa kami ok.. pero sana maayos na..

magtatrabaho muna ako.. habang pinag-iisipan ang ilang bagay..

sabi ni Bob Ong, "hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan ito.. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.."

0 comments: