kagabi, pinahiran ko ng gentian ang aking singaw.. ilang araw na rin akong pinahihirapan nito.. ang hirap magsalita dahil tumatama ang sugat sa ipin ko.. at ang resulta: lalo pang lumalaki at pumupula..
bago ko pa man din ipahid ang gentian, tumutulo na ang luha ko.. partly kasi natatakot akong baka masakit at hindi ko kayanin ang hapdi.. isa pang dahilan eh naiiyak na talaga ako..
narinig kong sinabi ng aking kapatid: "ate, pisikal lang yan, mas mahirap gamutin at mas masakit ang emotional na karamdaman."
mas lalo akong naiyak.. tama siya, mas mahirap ngang gamutin ang sugatang damdamin.. hay.. kung pwede lang mapawi ng halo-halo sa chowking ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.. nararamdaman ng mga tao.. kung mapapahiran lang ng ice cream at cake ang mga luha.. ayos na sana eh.. kaso lang hindi ganun kadali yun.. hindi ganun kadaling makalimot.. hindi rin ganun kadaling maghilom ang sugat na dulot ng malalim na saksak sa damdamin..
ano ba naman unaiza, pitong buwan na ang nakakaraan, hanggang ngayon ba naman hindi ka pa tapos sa mga drama mong yan?
siguro nga hindi pa.. at para atang hindi rin ito matatapos ngayon o bukas o sa susunod na buwan.. pero hanggang kailan ako ganito? hanggang kailan ako iiyak?
marahil nga ay nagawa ko na ang pinakamaling desisyon na pwede kong magawa sa tanang buhay ko..
nagkamali nga ata ako.. kung maaari ko lang sanang ibalik ang panahon, patigilin ang oras, at ulitin lahat ng masasayang alala at karanasan..
sa totoo lang, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagsisisi.. nagkamali nga talaga ako.. hindi naman ako magsisisi kung tama ang naging desisyon ko..
sabi ni leyn sa isang text, pagkakataon daw kung matatagpuan mo ang isang pag-ibig.. nasa iyong pagpili kung tatagal ito o hindi..
sa buhay natin, laging may pagkakataon at laging may sitwasyon na kailangan nating piliing mangyari..
nagkamali ako sa pinili ko..
hindi ba sapat ang pagsisisi.. sabi nila lagi raw nasa huli ang pagsisisi.. oo nga naman, paano ka magsisisi kung hindi mo pa alam ang magiging kahinatnan ng desisyon mo..
pero ngayon ngang nagsisisi na ako, sapat na ba yun? sa nangyayari kasi parang hindi pa..
kailangan ko ba talagang pagdaanan ang lahat ng ito? wala bang kapatawaran ang ginawa ko?
sa paghahangad kong maayos ang lahat, lalo lang naging komplikado.. at ngayon, hindi ko na mabawi ang naging desisyon ko.. wala akong ibang masisi kundi sarili ko.. ganun din siya, ako ang sinisisi niya.. sino pa nga bang may kasalanan? ako naman talaga.. ako ang unang sumuko..
sana naging matatag na lang ako.. sana hindi ako nawalan ng pag-asa..
ngayon, wala na talaga akong aasahan.. kahit anong dasal ko, hindi Niya ako pinakikinggan.. siguro sabi Niya, "ginusto mo yan, ikaw ang nagdesisyon niyan, ngayon, magdusa ka."
sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagkatalo at pagkalungkot..
hindi ko alam kung may pag-asa pa.. ayokong mawalan ng pag-asa pero ayoko na ring umasa.. pero hanggang kailan ako masasaktan?
akala ko dati tapos na ako sa ganitong drama.. hindi pa pala.. mukhang hindi talaga ako titigilan ng nakaraan..
maraming "sana", maraming "sayang".. pero ano pa nga bang magagawa ko?
sa tingin ko naman nagawa ko na ang lahat ng pwede kong magawa para maayos lang.. kahit na magmukha akong tanga.. kahit na ibaba ko ang sarili ko.. pero wala pa ring epekto.. ganun ba talaga kabigat ang kasalanan ko?
wala na ba talaga akong pwedeng gawin? nahihirapan na ako.. matagal na.. ang pinaniwalaan kong paraan para maayos ang gulong ito ay hindi naging tagumpay..
hanggang kailan ako ganito? hanggang saan ako dadalhin ng ganitong pakiramdam? hanggang kailan ako iiyak?
hindi ko rin alam ang kasagutan..
Tuesday, April 10, 2007
walang pamagat..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment