BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, March 29, 2009

because i'm in the mood.. and because i have time..

dadaldal ako. :D

matagal-tagal din akong hindi nakapagkwento. bakit? e kasi naman artista nga ako, sobrang hectic ng schedule. haha. seriously, super mega over busy talaga. kung makikita niyo lang yung planner ko, hindi lang puno, umaapaw pa. hehe. hyperbole. :D

pero dahil matatapos na ang buwan, at marami-rami na akong naipong kwento, thoughts, at kung ano-ano pa, i decided na mag-blog muna. yey! hehe. na-miss ko ring magkwento. at sa totoo lang, super therapeutic talaga ang blogging for me. during times na sobrang ngarag at stressed na ako, i take a break by reading my previous blog entries. tapos yun, matatawa na lang ako. lalo na sa mga wrong spelling, wrong grammar, at kung ano-ano pang wrong. haha. pero nakakatulong talaga. at least natatawa ako. sabi nga laughter is the best medicine diba? :D

naku, mukhang mahaba-habang kwentuhan ito. hehe.

hmm.. where do i begin.. to tell the story of how great a love can be.. haha. biglang kumanta. :D at dahil sa kantang yan, pinanood ko pa talaga yung movie. haha. 1970 pa siya at naman, kamusta naman yun, sa movie pala na yun nanggaling yung pamosong linya na "Love means never having to say you're sorry."

ayun. wala lang. kwento lang. trivia. hehe.

saan nga ba ako magsisimula? sige, share na lang muna ako ng quotes. :D mula sa aking koleksyon ng mga text message mula sa mga mahal kong kaibigan. :)

onga pala, sorry friends, di na ako masyadong nakakatext. lam niyo naman ang lola niyo, tamad lang talaga magtext. haha. wala lang. lumipas na kasi ako sa period ng buhay na excited pa gumamit ng cellphone. lam niyo yun? parang kung hindi pa talaga importante, hindi ako magtetext. wala lang. sobrang busy na kasi talaga. ayun.

anyway, tama na ang paliwanag.. eto na yung mga text. :D

*Every bad situation will have something positive. Even a stopped clock shows correct time twice a day. So stay positive in life. Just smile. ^_^
- oh yes! i so agree! :D

*As much as you want to plan your life, it has a way of surprising you with unexpected things that will make you happier than you originally planned.
- i like this one. another way of saying "life's full of surprises!"

*You are not any greater when people praise you, nor are you any worse when they criticize you. How you are is how God sees you, nothing more, nothing less... simply PRICELESS!
- i soooooooooooo love this one! kasi totoo naman talaga. God loves us... period. ^_^

*Getting angry is actually punishing yourself with the mistakes of others.
- hmm.. oo nga naman.. may point siya.. kaya ako, hindi na ako nagagalit. :D

*Although we naturally enjoy laughter more than tears, we have to accept that most of the wisdom we've gained along the way, we owe to sad times.
- korek. korek. at isa pang korek. sabi nga ni alanis, "YOU CRY, YOU LEARN" ^_^

*Never let your fear make your decisions. YOU make them.
- ay eto, isang tao lang ang pinasahan ko ng quote na 'to. kasi i really believe that more than anyone else, she needs to receive this message. bakit? kasi, nung minsang nagkausap kame, she insisted that she was afraid of what would have happened kung sakaling nalaman ko agad yung tungkol sa kanila. i won't go into details. pero basta sabi niya kung siya lang daw gusto na talaga niyang sabihin kaso lang natatakot siya. basta ganun. wala lang. ayoko ng magsalita pa. haha. pero basta, tama yung message na 'to. don't blame to fear, or to any feeling for that matter, your wrong decisions. at wag din nateng hayaang emotions naten yung mag-rule. sabi nga ni ate ria, "we are the masters of our emotions". so kung meron mang dapat masunod, hindi emosyon, kundi yung judgment at conscience naten. ayun. na-realize ko nga e, kung hinayaan kong takot yung gagawa ng decisions ko, malamang hanggang ngayon hindi pa rin kame magkaibigan ng isa sa tinuturing kong closest friend. kung nakinig ako sa iba, dapat hindi ako masaya ngayon. don't get me wrong, it's okay to ask for others' opinion. in fact, kelangan talaga nateng gawin yun. at sa totoo lang din, kelangan din nateng i-consult yung mga nararamdaman naten. pero ang final decision, dapat, saten pa rin manggaling. at kung ano man yung maging decision naten, panindigan naten yun. kasi yun ang pinili nateng gawin. i mean, we were given options diba? so kung ano yung pinili naten, pangatawanan na naten. did i make sense? haha. sorry naman, nawala kasi yung momentum ko sa pagsusulat. nanood pa kasi ng Love Story e. haha. ayun.

may isa pa akong naalala. familiar ba kayo dito: "love is not a feeling. it's a decision."?

well, personally, agree ako dun. love is indeed a decision. kasi kung feelings lang ang magiging basehan naten, wala na sigurong nagtagal na relationship. why? because feelings change. one moment sobrang importante sa'yo yung isang tao, the next moment, wala lang siya. hay nako, pinagdaanan ko na yan. haha. pero at least napatunayan ko na kaya ko palang gumawa ng "decision to love", yun nga lang.. yun nga lang.. haha. ayokong magkwento. :p

*This is the greatest gift God can give you: to understand what happened in your life; to have it explained. It is the peace you have been searching for. [The Blue Man, The Five People You Meet in Heaven]
- yho, thanks for this message. ang ganda rin nito. agree ako. at kung ako ang tatanungin, hindi pa lahat, pero most of the things that have happened in my life, naintindihan ko na. and yes, sobrang at peace na ako. ^_^

*If you feel like no one cares about you, think again. Look in the mirror, because the person you see needs you more than anyone else.
- oh yes again. umm, batch, this message is for you.

at.. last but not the least.. eto ay galing kay alpha margaux quelnan (naks, complete name. haha.) na ayon sa kanya ay galing sa book of colors ni ate lady.. tama ba heelz? hehe.

*October 15: Your color is lilac snow. You have a gift for storytelling and an appreciation for beauty. (aha! agree. :D) The performing arts can be a great vehicle for your many talents. (huwow! many talents?! hindi naman. singing lang tsaka writing tsaka singing tsaka writing. haha.) You can do well in front of an audience, especially if the words you speak resonate within your heart. (hmm.. ??) You have a strong magnetism that makes you attractive to others. (waaaaaaaaaaaaaaaaaah! hahahaha. adik! talaga lang ha? san banda? hehe.) It is important to surround yourself with people and objects that promote harmony. (hmm.. friends, nagpopromote ba kayo ng harmony? haha.)

hayyyyyyyy.. ang bilis naman ng oras.. at ang dami ko na palang nasabi.. hehe.. tama na muna 'to.. maya-maya uli. :D

pahinga muna. ^_^

ay wala lang sige pala, kwento pa pala. hehe. ayun. sobrang natutuwa lang ako sa sarili ko. hehe. oh yes, i love myself. :D yun nga kasi, may isa akong nakausap and while listening to her, i realized how weak she/they thought i was. sabi ko nga sa kanya, "grabe ate, ganun kahina yung tingin niyo sken? hindi niyo nga ako kilala." wala lang. naging common misconception na talaga na kapag ang isang tao ay umiiyak, mahina siya. at eto pa, kaya naisipan kong ituloy ang kwento, kakapanood ko lang sa commercial ng All About Eve yung scene na nakita ni Jean Garcia si Sunshine Dizon na umiiyak. tapos ang sabi niya, "ang umiiyak, talo." i definitely do not agree! hindi dahil sa umiiyak ang isang tao ibig sabihin hindi na siya lumalaban. oh well, hindi ko na kailangang ipaliwanag yun. kanya-kanyang pananaw kasi yan e. pero yun nga, kung ganun kahina ang tingin niyo sa mga taong umiiyak, nagkakamali kayo.

ngayon, bakit ko nasabing natutuwa ako sa sarili ko? kasi napatunayan ko kung sino at ano talaga ako. hindi ako gaya ng iniisip niya o nila. i even exceeded my expectations. alam kong malakas ako but i never thought that i was and i am THIS strong. and i know, i'm getting stronger and better each day. :D

ayun lang. bigla ko lang naisip yun. :)

seryoso na 'to, pahinga na muna. :D magandang gabi pilipinas. ^_^

0 comments: