"Minsan, sa mga simpleng bagay, dun ka pa sumasablay." - sinabi ito ni Sir Henry during one of our meetings. i wrote it down because i believed there's truth in it (kelan ba nagsabi ng nonsense si Sir Henry? yun pa, e bilib nga ako dun e. ^_^). at kanina nga, nakita ko uli yung paper na pinagsulatan ko nun at alam kong hindi lang yun nagkataon. i saw those words because God wanted to remind me of the wisdom that they contain. true enough, there are times when we fail to do what seemed to be so simple and easy. why? because we take them for granted. we depend too much on our assumption that they are simple, therefore, we no longer pay attention to them. nabubulag na agad tayo ng akalang "kayang-kaya" nating gawin ang mga simpleng bagay (o di kaya unawain ang mga simpleng kaisipan). at hindi ako exempted. yes, guilty rin ako minsan. tama si Sir Henry, minsan, sa mga simpleng bagay pa tayo sumasablay kasi nagiging over-confident na tayo sa sarili natin at sa kakayahan natin.
lesson? "Hindi lahat ng simple ay madali, at hindi lahat ng madali ay simple." sabi nga ni Sir Jim, one of the important leadership skills is the ability to pay attention to details. i say, "pay attention even to the smallest, simplest details."
ito ang naisip kong analogy to make my point clear: a semicolon (;) is a simple punctuation mark, but in the world of programming, it's a very important and powerful tool. forget the semicolon and your program won't run (compile time pa lang may error na). ganun din yung curly braces, parentheses, etc. kung iisipin natin, simpleng symbols lang naman sila pero sa mga gaya naming kelangang gumawa ng program/mag-submit ng MPs, very crucial ang paggamit sa kanila. sumablay ka sa paglagay ng semicolon, sablay din ang program mo.
let's not underestimate the simple things, because sometimes, the simple things are the best ones, and yes, they could be the most important also.
(minsan, kahit sa tao, ganun din... yung mga simple, yun ang mga "big time" )
ever heard of this: "SIMPLE PERO ROCK!"? that says it all. simple things are NOT JUST SIMPLE things! let's not neglect them!
*ang lahat ng naka-post dito ay pananaw lamang ng author. hindi ko po sinasabing tama ako. i'm just sharing my thoughts. ^_^
Friday, January 09, 2009
simple lang.*
Posted by Aiza Garnica Santos at 9:31 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment