.. yan ang paulit-ulit na binanggit ni Father sa homily niya kanina. we heard the same homily twice, maybe because God knows perfectly that we NEEDED to hear that affirmation. today is the last day of our leafleting for the current CLP, which kuya rhed and i lead. and i personally thank everyone who supported. :)
i've been quiet for almost a month now. just last night, i checked my journal only to realize that i haven't written anything since july 22. sad. =(am i really that busy? i guess so.
i work full time as web maintenance & admin personnel for a company in Ortigas. i work part-time (project-based) as rewriter/writer for an online firm. and just today, i started working part-time as tutor. i sing in two choirs, i serve in the chapter, and i lead the CLP.
one of my girl friends asked, "kasya ba ang 24 oras sa'yo?" well, amazingly, kasya pa naman. kahit pano nakakatulog pa naman ako. :D
still another friend commented, "sulit na sulit ang buhay mo." oh yes, walang nasasayang na oras sa akin. dahil ang totoo, wala na talaga akong bakanteng oras. minsan nga sobrang tuliro na ako kung anong uunahin at kung paano ko pagkakasyahin ang 24 oras sa lahat ng kailangan kong gawin, puntahan, at kausapin. pero you might ask, "kelangan mo ba talagang gawin yan lahat unaiza?" honestly, OO.
kaya ko naman. at sa totoo lang, masaya naman ako. nakakapagod syempre pero basta God has never failed to inspire and empower me naman kaya go lang. nakakatuwa lang kung paano kumilos si God. alam Niya talaga kapag malapit na akong bumigay e. during the Orientation, tinamaan ako sa sinabi ni Tito Noel. naniniwala raw tayo na walang ibibigay si God na problema na hindi naten kaya. pero during trying times, we find ourselves praying, "Lord, hindi ko na kaya!" totoo. guilty ako. dati. pero habang umiigting ang battle na kinakaharap ko, mas lalo rin akong tumitibay. minsan, tinatanong ko rin sa sarili ko kung pano ko kinakaya lahat. but of course, i can never claim na kinaya ko lahat on my own strength. i have God. and i remember yung "footprints in the sand", hindi ko lang basta kasama si God, He carries me as well.
at ngayon, kung kelan sobrang bigat ng dinadala ko, ngayon pinaalala ni God na kailanman, hindi Niya ako pababayaan. sabi nga ni Father, iwanan ka man sa ere at kalimutan ng mga tao, ang Panginoon, kahit kailan, hindi ka pababayaan.
and that's what i'm holding on to. people tend to forget promises, but God does keep them. sa mundong ito, hindi lahat ng mabuti sayo e kakampi mo hanggang huli. may mga taong akala mo mapagkakatiwalaan mo pero ang totoo, sila pa pala ang unang tumitira tayo patalikod. may mga taong akala mo pwede mong asahan pero hindi pala. there'll come a time when disappointment will be your friend. hehe. friend na talaga e no? e kasi lagi mo na siyang kasama at nararamdaman e. pero hindi lang naten dapat kalimutan na friend man naten si disappointment, best friend naman naten si God. =)
"hindi ako pababayaan ng Panginoon!" yan ang mantra ko ngayon. at yan ang katotohanan. ^_^
dami ko pa sana gustong i-share. pero yan lang ang pinayagan ng oras ko. next time na uli. :D
God bless everyone!
Friends, i love & miss you. i hope you know that. babawi ako. =)
0 comments:
Post a Comment