BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, January 01, 2008

happy new year! ^_^

masaya ang naging pagsalubong namin sa 2008.. at masaya rin ang pasok ng taong ito.. sagana sa pagkain at higit sa lahat, sa pagmamahal ng bawat kasapi ng pamilya.. buo kami.. at pagpatak ng alas-dose, isang malaking 'family hug' ang sinalubong namin sa year of the rat.. masaya at sabik naming pinanood ang naggagandahang fireworks na matatanaw sa malawak na kalangitan.. mabuti na lang at iisa lang ang ulap natin.. wala kaming kahit anong pailaw pero nakuntento na kami sa aming mga nasaksihan.. buong galak naming pinagsaluhan ang masasarap na pagkaing nakahain sa aming hapag-kainan.. at mapayapa kaming natulog matapos ang aming mga gawain..

happy new year talaga.. tingnan niyo naman, nagtatagalog na ako.. hehe.. ayos di ba? ^_^

i'm just typing everything na maisip ko kaya bahala na kung tagalog o english o taglish pa ang masulat ko.. ang mahalaga, i am able to express my thoughts.. i just can't contain them.. masaya talaga ako.. may ilang naging problema ang mga taong malalapit sa puso ko at syempre hindi ko maiwasang maapektuhan.. but other than that, masaya at payapa ako..

i'm claiming this year.. sabi nga ni rowell, "it's my time to rise".. pero may dagdag ako dun.. "it's my time to rise and shine" ^_^

kaya naman para sken, kay rowell, at sa lahat ng umaangkin sa taong ito, a toast to us! let us emerge victorious! let's play to win! =)

this is my year, our year.. this is the start of the best years of our lives..

happy and blessed 2008 everyone! ^_^

Love & Peace,
aiza/unai

0 comments: