BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Sunday, September 06, 2009

long story..

bad news: i was held up.. in UP.. a place i consider my territory.. =(
i still can't believe until now how everything happened. nung lumapit saken yung lalakeng yun at sinabing kailangan niya ng cellphone ko, akala ko makikitext lang. pero nung tinutukan na niya ako at sinabing sasaksakin ako pag di ko binigay yung phone, dun ko lang na-realize na hinoholdap na pala ako. nag-isip pa akong lumaban, tumakbo. kaso may motor na nakaabang (hindi ko nakita yung itsura ng lalakeng nagmamaneho ng motor kasi naka-helmet siya). naisip ko ring pag sinaksak niya ako, mabilis akong mauubusan ng dugo. at ayoko talaga ng madugong kamatayan. pwede ko ring sabihin sa kanya na wala akong cellphone. kaso lang baka lalo niya akong saktan. at baka pati bag ko kunin pa niya. so ang ending, sa sobrang nerbiyos ko, binigay ko na lang yung phone. wala na ako sa wisyo after that. lakad takbo na yung ginawa ko. salamat kay hazel at robert na naiyakan ko. hindi na tuloy ako nakapunta sa Christ the King. nagsabi pa naman ako kay Kuya Josef na darating ako. =( ang huling katext ko bago ako bumaba ng jeep ay si marshee. pinag-uusapan pa namin yung plano naming get-together ng tweet2. hay. until now, habang nagtatype ako, tumutulo pa rin yung luha ko. nakakasama ng loob. 6 years na akong may cellphone pero never pa akong nanakawan. sobrang maingat akong tao. matapang din ako at malakas ang loob. kaya parang kalokohan lahat ng nangyari. madaya e. wala akong laban.
pagdating ko sa Rosario, si Kuya Don at Ate Fel ang naabutan ko. at syempre, iyak na naman ako sa kanila. hindi pa kasi nauubos yung nerbiyos at trauma ko. kahit pa the whole time kausap ko lang si God, hindi ko pa rin lubos maisip na wala na nga yung phone ko. at oo naholdap nga ako.
salamat kay Jess sa pagiging sweet and thoughtful. nadatnan niya kasi akong umiiyak. bumaba siya. at nagulat na lang ako pag-akyat niya may dala na siyang donuts. wag na raw akong umiyak. ang importante raw safe ako. such a sweet guy. ayun, pinagsaluhan namin yung donuts. hindi lang ako ang nakinabang, pati na rin yung ibang service team. kapatid, salamat talaga!
malungkot. sobra. naninibago ako. kaninang umaga, inabot ko pa rin yung lagayan ko ng phone. only to realize na wala na nga pala akong phone. =( hay.

pero everything happens for a reason diba? so eto naman ang good news...

i realized a couple of things.. sa tulong na rin ng mga taong nakiramay sa pagkawala ng phone ko..

yung phone na yun ay witness sa maraming pangyayari sa buhay ko. kasama ko yun sa lahat ng panahon. yun ang orasan ko, reminder, organizer, lahat na. pero tama si Kuya Don, may mga kailangan na akong i-let go sa phone na yun.

pa'no ko ba ipapaliwanag? parang ganito.. yung kwento namin ni mae (soul sister ko). last year, during the MMC, dun kame officially naging friends. at dahil gusto kong magkaroon kame ng picture together, i needed to erase some photos dun sa camera. but what happened was, nabura lahat ng laman ng camera na yun. iniyakan ko yun pero ang realization ko dun, if i want to start anew, i need to let go of certain things.

i believe eto rin ang message ni God ngayon, sa pagkawala ng phone ko.

friends, i'm beginning to reach my dreams. little by little. and ngayon, i'm undergoing the Discernment Program for SFC Mission Volunteers. maraming magbabago sa buhay ko after ng 3 months na training at discernment. at ngayon pa lang, alam kong hinahanda na ako ni Lord.

may ilang buwan na rin akong nagdarasal para sa isang bagay. at sa pagkawala ng phone ko, ang nasabi ko na lang, "eto na yun. eto na yung sagot ni God."

i continue to pray for God's message sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon. basta ang alam ko lang, God knows best. and He has the perfect plan for me. =)

to robert and to kuya don, thank you for these words:
robert - "ok lang yan. ang cellphone napapalitan. ikaw, hindi."
kuya don - "sis, maybe God wants you to let go of some people in that phone. malay mo hindi sila makakabuti sa'yo."

nakakatuwang isipin. nakaplano na talaga ang pagbili ko ng bagong phone. lagi lang nadedelay kasi may mga biglaang gastos o di kaya may mga pangangailangan sa bahay o sa pag-aaral ng kapatid ko na kailangan kong tugunan. pero eto, wala na akong choice kundi bumili na talaga. ganun din yung nangyari sa eyeglasses ko. nasa listahan ko na rin yun ng "things to buy". kaso nga lagi kong pinagpapaliban. hanggang sa nasira na lang siya. so wala na naman akong choice. haha. hay. sabi siguro ni God, "ang kulit mo talagang bata ka. akala Ko ba, gusto mo na ng bago? e bakit hindi mo pa rin pinapakawalan yung luma? hindi mo kaya? Ako ang gagawa para sa'yo."

naalala ko tuloy yung isang scenario sa Discovery Weekend namin. may isang activity dun na hindi ko pwedeng sabihin yung details. pero basta may kailangan kameng gawin. may isang sister na hindi kayang gawin yung pinapagawa. sa totoo lang, lahat naman talaga kame hesitant. pero ginawa pa rin namin. sa lahat ng nandun, siya lang ang hindi gumawa ng task. so nilapitan siya ng speaker/facilitator para gawin yung task para sa kanya.

sa buhay naten, may mga bagay tayong gustong makamit, mabago, maranasan. may mga lugar tayong gustong marating. pero kung hindi tayo gagalaw, at hindi tayo handang iwanan yung kasalukuyan nateng kinalalagyan, wala tayong mararating.

the Lord wants the best for us. He wants to bless us. pero ready na ba tayong tanggapin yung blessings Niya? how can He fill us with His grace when we are already full of other things? yun ang napagnilayan ko sa nangyari saken. hinahanda lang ako ni God sa mas malaki at maganda Niyang plano sa buhay ko. it has always been my prayer for Him to take away what's wrong in my life, whatever that may hinder me from becoming the person that He wants me to be. at sinagot na Niya yung prayer ko. i can see everything falling into place. my surrendering of the responsibilities i once held sa chapter, my undergoing of the discernment program, and my losing of one of the most important things in my life, my phone.

God can only fill us when we're empty. We can only receive His blessings when there's enough room in our hearts and in our lives. We need to let go of some things for us to gain much greater things.

lahat ng nawawala, may kapalit na mas maganda. =)

"Rather, new wine must be poured into fresh wineskins." Luke 5:38

"For that same reason, the one who is in Christ is a new creature. For him the old things have passed away; a new world has come." 2 Corinthians 5:17

"You must give up the former way of living, the old self, whose deceitful desires bring self-destruction. Renew yourselves spiritually, from inside, and put on the new self, or self according to God, that is created in true righteousness and holiness." Ephesians 4:22-24

friends, you can reach me through email muna ha? baka sa payday pa ako makabili ng bagong phone.

tweet2, especially marshee, i really hope masulit naten yung long weekend next next week. balitaan niyo ako ha?

love & miss you friends. i'll see you soon!

good day world! ^_^